Scottie Thompson, inaming hiwalay na kay Pau Fajardo; napabalitang ikinasal na

Scottie Thompson, inaming hiwalay na kay Pau Fajardo; napabalitang ikinasal na

- Inamin ng PBA professional basketball player na si Scottie Thompson na nagkahiwalay na sila ng longtime girlfriend at fiancée na si Pau Fajardo

- Matatandaang naging usap-usapan ang wedding proposal ni Scottie kay Pau na naganap nito lamang taon

- Umugong ang hiwalayan ng magkasintahan matapos burahin nila parehas ang kanilang mga larawan na magkasama sa kanilang social media account

- Lumabas din ang balitang ikinasal na si Scottie sa isang sikat na social media personality

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inako ng PBA professional basketball player na si Scottie Thompson na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng longtime girlfriend na si Pau Fajardo.

Scottie Thompson, inaming hiwalay na kay Pau Fajardo; napabalitang ikinasal na
Scottie Thompson (@scot_thompson6)
Source: Instagram

Matatandaang nag-viral ang wedding proposal ni Scottie kay Pau noong January 1 ng kasalukuyang taon na naiulat ng Inquirer.net. Kaya naman ikinabigla ng mga tagahanga nila ang rebelasyong ito ng basketbolista.

Read also

Magkababatang nag-viral sa TikTok at nagkita dahil sa KMJS, nagkasamang muli

Umugong ang espikulasyon tungkol sa kanilang hiwalayan matapos burahin nila parehas ang kanilang mga larawan na magkasama sa social media.

Kinumpirma din ng kampo ni Scottie Thompson na matapos ang hiwalayan kinasal ito ng patago sa isang sikat na social media influencer na kinilalang si Jinky Serrano. Ayon sa inilabas na balita ng Spin.ph, naganap ang kanilang private wedding sa Las Piñas.

Kasalukuyang naka-deactivate na ng kanyang social media account sa TikTok matapos umani ng batikos sa social media.

Samantala sa isang ulat ng fastbreak.com, inamin umano ni Scottie ang tungkol sa kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang social media post. Gayunpaman, burado na umano ito sa kasalukuyan.

“Ako reason ng hiwalayan namin, ako ang may mali ng lahat. Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato niyo sakin.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Hash Alawi, may 1 million subscribers na sa YT; mamimigay ng mga CP at tablet

Si Earl Scottie Carreon Thompson ay isang Filipino professional basketball player para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.

Nagsimula siyang maglaro ng basketball habang siya ay elementary pa lamang at naging bahagi siya ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region XI noong siya ay nasa High School na. Napili din siyang mapasama sa Nike Elite Camp.

Naglaro siya sa koponan ng University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Samantala, ilan sa prominenteng basketbolista ang nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro kamakailan. Kabilang sina JC Intal at Marc Pingris sa nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel