Pau Fajardo, muling nag-post ng picture na kasama ang rumored boyfriend

Pau Fajardo, muling nag-post ng picture na kasama ang rumored boyfriend

- Muling nag-post si Pau Fajardo ng mga pictures kung saan kasama niya ang lalaking sinasabing bago niyang karelasyon

- Sa kanyang mga post ay hindi kita ang mukha ng lalaki ngunit kapansin-pansin ang isang picture na humahawak ito sa kamay ni Pau

- Wala pang naibabahaging pahayag si Pau kaugnay dito upang kumpirmahin o pabulaanan ang isyu

- Gayunpaman, karamihan sa mga netizens na nag-iiwan ng komento sa kanyang post ay masaya para sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Pau Fajardo ng panibagong mga pictures kung saan kasama niya ang mystery guy na napapabalitang bagong karelasyon ni Pau. Ang mga pictures ay kuha sa kanilang Thailand trip.

Pau Fajardo, muling nag-post ng picture na kasama ang rumored boyfriend
Pau Fajardo, muling nag-post ng picture na kasama ang rumored boyfriend
Source: Instagram

Sa kanyang post na may caption na 2nd day, makikita ang picture ni Pau kasama ang mystery guy na humahawak sa kanyang kamay.

Read also

RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"

Wala pang kumpirmasyon mula kay Pao kung ito na ba ang kanyang bagong karelasyon ngunit nabanggit na ng kaibigan niyang si RR Enriquez na may bago itong love life.

Karamihan naman sa mga netizens na nag-iiwan ng komento sa kanyang post ay masaya para sa kanya:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sobrang kinikilig ak for you miss pau
Pag mabait ka talaga lahat masaya pag masaya ka
Been following you since that heartbreaks, now I am one of the happiest fan that you found a new love.

Si Pau Fajardo ay isang modelo, social media personality na nakilala bilang long-time girlfriend ng basketbolistang si Scottie Thompson na isang professional Basketball player na naglalaro para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association. Ikinagulat ng mga netizens lalo na ng mga fans na umaasa na sila ang ikakasal matapos mag-propose ni Scottie kay Pau noong Enero taong 2021.

Read also

Jhong Hilario, ibinida ang behind-the-scene ng "Every Breath You Take" dance cover nila

Inako ng ni Scottie na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng longtime girlfriend na si Pau Fajardo. Kinumpirma din ng kampo ni Scottie Thompson na matapos ang hiwalayan kinasal ito ng patago sa isang sikat na social media influencer na kinilalang si Jinky Serrano. Ayon sa inilabas na balita ng Spin.ph, naganap ang kanilang private wedding sa Las Piñas.

Samantala, sa isang video na binahagi ng YouTube channel na StarsPhotog Vidz, naitanong kay Pau Fajardo kung napatawad na ba niya ang ex-fiancé na si Scottie Thompson. Hindi ipinagkaila ni Pau na nasa proseso pa rin siya ng pag-mo-move on. Aniya, kailangan antayin ang tamang panahon kung kailan siya makakapagpatawad dahil aniya ay hindi naman madali ang nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel