RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"

RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"

- Nag-post si Pau Fajardo ng pictures niya habang nasa Thailand

- Agad na umani ng mga reaksiyon ang post na ito ni Pau dahil kalakip sa kanyang naibahagi ay ang picture ng isang lalaki na hindi pa niya pinapakilala

- Hindi rin nakikita ang mukha ng lalaki kaya marami sa mga followers ni Pau ang nagtatanong kung sino ito

- Kapansin-pansin naman ang komento ni RR Enriquez kung saan sinabi niyang sayang at hindi sila nag-abot doon ni Pau at nabanggit pa nito ang tungkol sa bagong love life daw ni Pau

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang natuwa para kay Pau Fajardo dahil mukhang nakatagpo na siya ng panibagong pag-ibig. Sa kanyang post kung saan binahagi niya ang pictures niya sa Thailand, naibahagi niya rin ang picture ng isang lalaking hindi niya pinangalanan.

Read also

Amy Perez kay Brix Ferraris na ama ng panganay niya: "Kahit google hindi siya mahanap"

RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life"
RR Enriquez kay Pau Fajardo: "Hurray sa new love life" (@_paufajardo)
Source: Instagram

Kabilang si RR Enriquez sa nagkomento sa kanyang post. Aniya, sayang at hindi sila nag-abot doon sa Thailand at nabanggit din RR ang tungkol sa bago nitong love life.

Hindi pa tayo nag abot And hurray sa new love life.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi pa man pormal na pinakilala ni Pau ay marami sa kanyang followers ang masaya na makita si Pau na masaya.

Si Pau Fajardo ay isang modelo, social media personality na unang nakilala bilang long-time girlfriend ng basketbolistang si Scottie Thompson na isang professional Basketball player na naglalaro para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association. Ikinagulat ng mga netizens lalo na ng mga fans na umaasa na sila ang ikakasal matapos mag-propose ni Scottie kay Pau noong Enero taong 2021.

Read also

Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever"

Inako ng ni Scottie na siya ang may kasalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng longtime girlfriend na si Pau Fajardo. Kinumpirma din ng kampo ni Scottie Thompson na matapos ang hiwalayan kinasal ito ng patago sa isang sikat na social media influencer na kinilalang si Jinky Serrano. Ayon sa inilabas na balita ng Spin.ph, naganap ang kanilang private wedding sa Las Piñas.

Samantala, sa isang video na binahagi ng YouTube channel na StarsPhotog Vidz, naitanong kay Pau Fajardo kung napatawad na ba niya ang ex-fiancé na si Scottie Thompson. Hindi ipinagkaila ni Pau na nasa proseso pa rin siya ng pag-mo-move on. Aniya, kailangan antayin ang tamang panahon kung kailan siya makakapagpatawad dahil aniya ay hindi naman madali ang nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel