Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

- Sa isang panayam sa launching sa kanya bilang endorser ng isang produkto, naitanong kay Pau Fajardo kung napatawad na nito ang kanyang ex na si Scottie Thompson

- Mahigit isang taon na rin ang lumipas matapos maganap ang engagement nila na nauwi sa hiwalayan

- Aminado si Pau na nasa proseso pa rin siya ng pag-mo-move on mula sa relasyon nila ng basketbolista na tumagal din ng walong taon

- Aniya, natutunan niyang kailangang mas mahalin at mag-invest sa sarili kesa sa ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa video na binahagi ng YouTube channel na StarsPhotog Vidz, naitanong kay Pau Fajardo kung napatawad na ba niya ang ex-fiancé na si Scottie Thompson. Hindi ipinagkaila ni Pau na nasa proseso pa rin siya ng pag-mo-move on.

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad
Scottie Thompson (@scot_thompson6)
Source: Instagram

Aniya, kailangan antayin ang tamang panahon kung kailan siya makakapagpatawad dahil aniya ay hindi naman madali ang nangyari.

Read also

VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya

Gayunpaman, nakabangon na rin umano siya sa pagkakalugmok dahil sa tulong ng kanyang pamilya.

Aniya, natutunan niyang kailangang mas mahalin at mag-invest sa sarili kesa sa ibang tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I've learned na aside from loving that person, you have to love yourself talaga. Mas mag-invest ka sa sarili mo rather than investing to other people. Hindi mo alam kung nandiyan pa rin yung talagang inalalayan mo."

Matatandaang lumikha ng ingay ang paglabas ng balitang ikinasal na sina Scottie sa ibang babae dahil marami ang nagulat na hindi ang ex-fiancée na si Pau ang kanyang pinakasalan.

Ikinagulat ng mga netizens lalo na ng mga fans na umaasa na kay Pau Fajardo siya ikakasal na kanyang long-time girlfriend at naging fiancée niya matapos niyang mag-propose noong Enero taong 2021.

Read also

Ellen Adarna, tinawag na "pitbull" ang mister na si Derek Ramsay

Si Earl Scottie Carreon Thompson ay isang Filipino professional basketball player para sa koponang Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.

Nagsimula siyang maglaro ng basketball habang siya ay elementary pa lamang at naging bahagi siya ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region XI noong siya ay nasa High School na. Napili din siyang mapasama sa Nike Elite Camp.

Naglaro siya sa koponan ng University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Samantala, ilan sa prominenteng basketbolista ang nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro kamakailan. Kabilang sina JC Intal at Marc Pingris sa nag-anunsiyo ng kanilang pagretiro.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate