Ellen Adarna, tinawag na "pitbull" ang mister na si Derek Ramsay

Ellen Adarna, tinawag na "pitbull" ang mister na si Derek Ramsay

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Derek Ramsay ang mensahe mula sa nakasama niya umano sa bahay noong sila ay nasa kolehiyo

- Pinasalamatan nito si Derek sa pagtatanggol umano nito sa kanya nang atakehin siya ng 8-10 katao

- Ani Derek, masaya siya na malamang ayos naman ang kalagayan ng taong ito na nakilala niya noon

- Kinaaliwan naman ang komento ni Ellen Adarna sa post na ito ni Derek nang tawagin niyang pitbull si Derek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram post, sinagot ni Derek Ramsay ang komento ng kanyang misis na si Ellen Adarna kung saan tinawag siya nitong "bulldog." Pabiro niyang sinaway ang kanyang maybahay sa pagiging bully umano nito.

Ellen Adarna, tinawag na "pittbull" ang mister na si Derek Ramsay
Photo: Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sagot naman ni Ellen sa komentong ito ni Derek, "@ramsayderek07 im your bullylit chihuahua ."

Marami ang muling naaliw sa kulitan ng mag-asawa na kilala sa kanilang pagbibiruan kahit sa social media:

Read also

VP Leni, ipinakita ang mga laman ng kanyang bag tuwing kampanya

Haha! Si @maria.elena.adarna lang nanbu-bully sayo na di mo kayang labanan, or should I say di mo pwedeng labanan hehe.. or else!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

@maria.elena.adarna if youre both dogs, who bites who?
Ang cool ng mag-asawang to, parang walang pikunan sa kanilang dalawa. Stay sweet lovebirds!

Ang naturang post ni Derek ay screenshot ng mensahe ng isang taong nakasama ni Derek sa bahay noong sila ay nasa kolehiyo. Ayon sa kanya, hindi niya makakalimutan ang ginawa ni Derek para ipagtanggol siya nang atakehin siya ng walo hanggang sampung katao na may dala umanong hockey sticks.

Ani Derek, masaya siya na malamang ayos naman ang kalagayan ng taong ito na nakilala niya noon.

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Read also

Jai Agpangan, aminadong nakatanggap ng indecent proposal

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel