Jai Agpangan, aminadong nakatanggap ng indecent proposal

Jai Agpangan, aminadong nakatanggap ng indecent proposal

- Sa isang video kung saan kasama sina Jai Agpangan at Mariz Racal, kumasa sa sagot o lagot challenge ang dalawa kasama ang social media influencer na si Kyo Quijano

- Isa sa naitanong sa kanila ay kung nakaranas daw ba silang makatanggap ng indecent proposal

- Ayon kay Maris, wala pa naman siyang ganoong karanasan ngunit ayon kay Jai ay mayroon nag-alok sa kanya ng 1 milyon at isang mamahaling kotse

- Gayunpaman, ayon sa dating 'Pinoy Big Brother' housemate, tinanggihan niya ang offer na ito ng hindi niya na pinangalanang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang inamin ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Jai Agpangan na nakatanggap siya ng indecent proposal. Mayroon umanong nag-alok sa kanya ng PHP1 milyon at isang mamahaling kotse ngunit tinanggihan niya ito.

Jai Agpangan, aminadong nakatanggap ng indecent proposal
Photo from Joj Agpangan (@jojagpangan)
Source: Instagram

Sa isang video kung saan kasama sina Jai Agpangan at Mariz Racal, kumasa sa sagot o lagot challenge ang dalawa kasama ang social media influencer na si Kyo Quijano.

Nabanggit pa umano ng taong ito ang ilang artistang nakapag-escort service sa kanya.

Ani Jai, malamang ay nabighani ito sa magagandang Instagram photos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Alam mo, naka-receive ako kasi akala nila siguro sa akin—fake news yung IG—akala nila matangkad.. Naka-receive na ako ng indecent proposal, one million [pesos] and Tesla car. Pero di ko in-accept."

Ang tinutukoy niyang sasakyan ay mula sa isang brand na maituturing na luxury cars na may high tech na mga feature.

Wala namang binanggit na pagkakakilanlan si Jai sa taong nag-alok sa kanya ng indecent proposal.

Sila Joj at Jai Agpangan ay kambal na mula sa Bacolod na sumikat matapos maging kalahok sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4, kung saan nakatungali nila si Myrtle Sarrosa nang Big 4, sa kanilang edisyon na tubong Iloilo kaya tinagurian rin silang Ilongga Powers. Nasungkit nila Joj at Jai ang pang-apat sa pwesto (4th runner-up). Nakabilang sila sa teleseryeng Forevermore.

Sa kabila ng kanilang pag-aartista, ilan lamang sila Joj at Jai sa mga aristang piniling tapusin ang kanilang pag-aaral.

Marami ang naaliw nang parehas silang sumali sa isang dating game segment na It's Showtime na KapareWho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel