Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever"

Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever"

- Naglabas si Benj Manalo ng kanyang saloobin kaugnay sa pagkasilang ng anak nila ni Lovely Abella

- Nagpasalamat siya sa Panginoon para sa anak nilang si Liam Emmanuel Manalo na isinilang nitong September 15, 2023

- Aniya, isa ito sa pinaka hindi niya makakalimutang petsa sa buhay niya

- Pinasalamatan din niya ang kanilang mga pamilya, kaibigan at mga doktor na tumulong sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Benj Manalo, hindi niya maitago ang kasiyahan sa pagkasilang ng anak nila ni Lovely Abella na kanilang pinangalanang Liam Emmanuel Manalo. Aniya, isa sa pinaka hindi niya makakalimutang petsa sa buhay niya ang kapanganakan ng anak nila.

Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever"
Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever"
Source: Instagram

Nagpasalamat siya sa Panginoon para sa anak nilang isinilang nitong September 15, 2023.

“Praise God for bringing Liam Emmanuel A. Manalo to this world!”

Read also

Ogie Diaz sa birthday outfit ng anak niyang si Erin: "Pag ikaw, sinipon, inubo, pinulmonya.."

Aniya, ang petsang ito ay “most memorable dates ever”. Hindi rin kinaligtaang pasalamatan ni Benj ang kanilang mga pamilya, kaibigan at mga doktor na tumulong sa kanila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever"
Benj Manalo sa pagkasilang ng anak: "One of the most memorable dates ever" (@benj)
Source: Instagram

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.

Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel