Jhong Hilario, ibinida ang behind-the-scene ng "Every Breath You Take" dance cover nila

Jhong Hilario, ibinida ang behind-the-scene ng "Every Breath You Take" dance cover nila

- Pinakita ni Jhong Hilario ang behind-the-scene ng dance cover ng "It's Showtime" hosts

- Sa kanyang video na pinakita ay si Dumbo ang kumukuha ng video habang nakapayong

- Kitang-kita sa video ang pagpatak ng ulan habang ilang beses ding inulit ng mga host ang kanilang sayaw

- Matatandaang sa post ni Vice Ganda ay iniugnay niya ang pagsayaw nila kahit maulan sa pagpapatuloy sa buhay anuman ang suliranin na kakaharapin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Jhong Hilario ang behind-the-scene ng "Every Breath You Take" dance cover ng It's Showtime hosts. Makikita sa video na binahagi ni Jhong na ang malakas na pag-ulan habang sumasayaw ang mga hosts.

Jhong Hilario, ibinida ang behind-the-scene ng "Every Breath You Take" dance cover nila
Jhong Hilario, ibinida ang behind-the-scene ng "Every Breath You Take" dance cover nila
Source: Instagram

Matatandaang naging makahulugan ang mensaheng binahagi ni Vice sa naturang video. Iniugnay niya ang pagsayaw nila kahit maulan sa pagpapatuloy ng buhay anuman ang suliranin na kakaharapin.

Read also

Sarina Hilario, kinaaliwan sa kanyang cucumber mukbang

Makikitang si Dumbo ang kumuha ng video at hindi nito alintana ang ulan. Nakapayong siya at nag-video sa mga hosts na ilang beses ding inulit ang kanilang sayaw.

Narito ang ilan s komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wow Ang galing nman kahit umu2lan The Best tlaga Kayo
Gravee nkaka GV talaga kayo. More power Showtime Family.
Nakakatuwa talaga kayo showtime family.. walang maarte.. game na game lahat

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel