Jennica Garcia, emosyonal na kinuwento ang pagpapahalaga sa mommy niya

Jennica Garcia, emosyonal na kinuwento ang pagpapahalaga sa mommy niya

- Naibahagi ni Jennica Garcia ang kanyang saloobin kaugnay sa sakripisyo ng kanyang mommy na si Jean Garcia

- Aniya, sa murang edad na 19 ay grabe ang naging sakripisyo ng kanyang mommy at pakiramdam niya ay tinanggal niya ang teenage years ng kanyang mommy

- Dagdag pa niya, sa tingin niya ay hindi siya magiging mabuting ina kung nagkaanak siya ng 19

- Nagpapasalamat umano siya na 33 na siya nang mangyari sa kanya ang kanyang matinding pinagdadaanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Jennica Garcia nang sabihin niyang pakiramdam niya ay siya ang dahilan na hindi na-enjoy ng mommy niyang si Jean Garcia ang teenage years niya dahil pinanganak niya si Jennica noong 19 taong gulang siya. Sa panayam sa kanya na naibahagi sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, nabanggit ni Jennica kung gaano niya pinapahalagahan ang kanyang mommy.

Read also

Dina Bonnevie, sinabing hindi siya na-offend na tiawag siyang matandang artista

Jennica Garcia, emosyonal na kinuwento ang pagpapahalaga sa mommy niya
Jennica Garcia, emosyonal na kinuwento ang pagpapahalaga sa mommy niya (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Nang naging ina siya ay mas naintindihan niya ang sakripisyong pinagdaanan ng kanyang mommy. Aniya, ang pinagdadaanan niya sa kasalukuyan ay pinagdaanan ng kanyang mommy noong 19 years old pa lang ito.

Pag iniisip ko na what I am going through right now in my life is something that my mom had to go through at 19, mamahalin mo nang sobra yung nanay mo eh.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya kahit paano ay nagpapasalamat umano siya na 33 na siya nang mangyari sa kanya ang kanyang matinding pinagdadaanan

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel