Dina Bonnevie, sinabing hindi siya na-offend na tiawag siyang matandang artista

Dina Bonnevie, sinabing hindi siya na-offend na tiawag siyang matandang artista

- Ayon kay Dina Bonnevie, hindi siya na-offend na tinawag siyang matandang artista ni Alex Gonzaga sa kanyang binahaging podcast

- Aniya, totoo naman na matanda na siya dahil 61 na umano siya ngunit aniya gusto niya ding makita ang mga kaedad niya kung "looking fresh" daw sila

- Diretsahan niyang sinabi na "fresh" looking pa rin siya sa kanyang edad at iyon ang kanyang nararamdaman

- Matatandaang sa podcast na tinutukoy ay nabanggit ni Alex ang tungkol sa ginawa sa kanya ng artisang di niya pinangalanan sa set ng ginawa nilang serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Dina Bonnevie na hindi siya na-offend na tinawag siya ni Alex na matandang artista. Aniya, totoo naman na matanda na siya dahil 61 na umano siya ngunit aniya gusto niya ding makita ang mga kaedad niya kung "looking fresh" daw sila.

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

Dina Bonnevie, sinabing hindi siya na-offend na tiawag siyang matandang artista
Dina Bonnevie, sinabing hindi siya na-offend na tiawag siyang matandang artista (@cathygonzaga)
Source: Instagram

May mga nag-udyok daw sa kanya na sagutin si Alex matapos siya nitong tawaging matanda. Gayunpaman, ani Dina ay totoo naman ang sinabing matanda na siya.

Diretsahan niyang sinabi na "fresh" looking pa rin siya sa kanyang edad at iyon ang kanyang nararamdaman.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel