Toni Fowler, humingi ng dispensa sa mga Muslim na na-offend sa kanya

Toni Fowler, humingi ng dispensa sa mga Muslim na na-offend sa kanya

- Minabuti ni Toni Fowler na humingi ng dispensa matapos ang mga naging reaksiyon sa kanyang TikTok video

- Ito ay ang kanyang TikTok video kung saan nagsuot siya ng hijab na inalmahan ng ilang mga Muslim

- Ani Toni, hindi umano niya intensiyon na mabastos ng kahit sino dahil ginaya lamang niya ang isang trend

- Hindi naman pinalampas ni Toni ang ilang mga bashers na imbes na paliwanagan siya ay binatikos siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Toni Fowler, hindi umano niya intensiyon na mabastos ng kahit sino dahil ginaya lamang niya ang isang trend. Kaya naman, minabuti ni Toni Fowler na humingi ng dispensa matapos ang mga naging reaksiyon sa kanyang TikTok video.

Toni Fowler, humingi ng dispensa sa mga Muslim na na-offend sa kanya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ito ay ang kanyang TikTok video kung saan nagsuot siya ng hijab na inalmahan ng ilang mga Muslim. Hindi din pinalampas ni Toni ang ilang mga bashers na imbes na paliwanagan siya ay binatikos siya. Aniya, sana ay tinuruan siya imbes na ipahiya siya. Narito ang ilang komento ng netizens:

Read also

Toni Fowler, nagbahagi siya ng saloobin kaugnay sa ginawa ni Rob Moya

Muslim po ako, and yes i was offended when i watched the vid kasi naka-crop top ka po, pero atleast you apologize unlike those who didn't
You're forgiven po because you took responsibility and accepted your mistake and addressed the situation. As long as you don't do it again, it's good.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Salam Mami Oni, okay lang yun Mami Oni, as long as the intention is not bad. Pasensya din po kung may nasabing masama sayo ang ibang tao

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

ABS-CBN reporter, kinaaliwan matapos ibahagi ang natanggap na free hug

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel