Toni Fowler, nagbahagi siya ng saloobin kaugnay sa ginawa ni Rob Moya

Toni Fowler, nagbahagi siya ng saloobin kaugnay sa ginawa ni Rob Moya

- Sa isang TikTok video, sinagot ni Toni Fowler ang pahayag ng isang netizen kaugnay sa pag-mo-move on

- Dito ay nagbahagi siya ng saloobin base sa kanyang personal na karanasan mula nang maghiwalay sila ng kanyang ex

- Ito ay matapos ang kontrobersiyal na vlog ni Rob kung saan nag-propose ito kay Toni matapos siyang kausapin nito

- Matatandaang naging magkarelasyon sina Rob at Toni pagkatapos madawit ni Toni sa relasyong Jelai Andres at Jon Gutierrez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Deretsahang ibinahagi ni Toni Fowler ang kanyang saloobin kaugnay sa kanyang dinanas sa kanyang ex. Ito ay nang sagutin ni Toni Fowler ang pahayag ng isang netizen kaugnay sa pag-mo-move on.

Toni Fowler, bumwelta sa mga naging pahayag ni Rob Moya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Aniya, sa una ay natural lang na umiyak. Kapag naalala daw niya ang kanyang dinanas ay nasasaktan pa rin siya.

Hanggang sa nag-break na sila at iyak umano siya nang iyak. Kinalaunan ay napagtanto niyang may iba nang karelasyon ang ex niy samantalang siya umano ay naghihintay pa rin.

Read also

Elisse Joson, ikinuwento ang pag-iyak na siyang dahilan ng 'di pag-alis noon ni McCoy

Hanggang sa hindi naging matagumpay ang mga naging relasyon ng kanyang ex. At narealize umano nito na wala siyang mahahanap na pagmamahal kagaya ng sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Toni, mahirap yung mahal ka lang kapag nawala ka na sa kanya. Ayaw niya umano ng nanghihinayang at ang gusto niya ay ang taong hindi umano siya papakawalan.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

I admire you more dis time mami oni u matured from ur past relationships. sending my love n support
Ganitong mindset please Ksi nkakadurog. Di ko kyang mkitang may iba na sya Yun yong gusto kong tanggapin sa sarili ko, pero di ko mgawa
Pinaka masarap sa lahat yung nalagpasan mo lahat ng Pain na dinanas mo sa taong minahal mo tas ending iniwan at pinag palit ka lang sa init ng katawan

Read also

Rob Moya, napagtantong kailangan na daw tigilan ang pangungulit niya kay Toni Fowler

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel