Rob Moya, napagtantong kailangan na daw tigilan ang pangungulit niya kay Toni Fowler

Rob Moya, napagtantong kailangan na daw tigilan ang pangungulit niya kay Toni Fowler

- Matapos ang kanyang binahaging video kung saan nag-propose siya kay Toni Fowler, muling tampulan ng batikos si Rob Moya

- Kaya naman, sa kanyang video ay sinabi ni Rob na napag-isip-isip niyang dapat umano ay tigilan niya na lang si Toni

- Aniya kahit anong gawin niya ay mukhang hindi na babalik sa kanya si Toni at aniya sana ay magsilbing aral iyon sa mga taong may karanasan kagaya niya

- Matatandaang naging magkarelasyon sina Rob at Toni pagkatapos madawit ni Toni sa relasyong Jelai Andres at Jon Gutierrez

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang kontrobersiyal niyang video kung saan nag-propose siya kay Toni Fowler kamakailan, muling umani ng pambabatikos si Rob Moya. Kaya naman, sa kanyang video ay sinabi ni Rob na napag-isip-isip niyang dapat umano ay tigilan niya na lang si Toni.

Read also

Lalaki sa viral na video sa Baguio market, pinabulaanang sinigawan si Jillian Robredo

Rob Moya, napagtantong kailangan na daw tigilan ang pangungulit niya kay Toni Fowler
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Nabanggit niya rin ang tungkol sa mga content creators na nagsasalita laban sa kanya. Aniya, lahat na lang ay siya ang binabatikos gayong nais lamang niyang gawin ang kanyang makakaya upang bumalik sa kanya si Toni.

Sa kanyang binahaging video, inilabas niya ang kanyang saloobin hinggil sa nangyari. Hindi naman daw niya pinipilit ang sarili niya.

Sa gitna ng mga pambabatikos, pinasalamatan niya ang mga nagpapaabot ng kanilang suporta sa kanya. Hindi naman na bago sa kanya ang pambabatikos ngunit kinuwestiyon niya ang mga pambabatikos sa kanya gayong wala naman daw siyang ginawang mali sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napagtanto niyang kailangan niya nang tigilan ang kanyang damdamin sa kanyang ex.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Zeinab Harake, hindi napigilan ang emosyon sa pinakabagong vlog

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel