Zeinab Harake, hindi napigilan ang emosyon sa pinakabagong vlog

Zeinab Harake, hindi napigilan ang emosyon sa pinakabagong vlog

- Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang vlog ang ginawang photoshoot para sa nalalapit na unang kaarawan ng anak niyang si Zebbiana o mas kilala sa tawag na Bia

- Habang naghahanda para sa ikalawang set ng shoot ni Bia, pinasalamatan ni Zeinab ang mga taong hindi siya iniwan at laging tumutulong sa kanya

- Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay

- Gayunpaman, aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Zeinab Harake, hindi napigilan ang emosyon sa pinakabagong vlog
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Zeinab Harake ang kaganapan sa photoshoot para sa unang kaarawan ng anak na si Zebbiana o mas kilala sa palayaw niyang Bia.

Read also

Herlene Budol, naiyak nang bigyan siya ni Karen Davila ng P100,000

Hindi na nito napigilang maiyak at aminado siyang mahirap daw pala mag vlog kapag may pinagdadaanan sa buhay.

Naroroon ang ilan sa kanyang mga kaibigan na content creator din kagaya niya upang suportahan siya. Tumulong din ang mga ito para patawanin si Bia para sa mas magandang kalalabasan ng photoshoot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang matapos na ang kanilang shoot, tuwang-tuwa si Zeinab sa anak. Aniya, proud siya na siya ang mommy ni Bia at hindi daw siya lugi lalo at ang ganda-ganda ng kanyang prinsesa.

Wala pa ding direktabg pahayag si Zeinab kaugnay sa isyu ng umano'y paghihiwalay nila ni Skusta Clee ngunit wala ito sa naturang vlog.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Boots Anson Roa, ayaw na umano sa diktadurya; "Ang presidente ko ay si Leni Robredo"

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel