Herlene Budol, naiyak nang bigyan siya ni Karen Davila ng P100,000

Herlene Budol, naiyak nang bigyan siya ni Karen Davila ng P100,000

- Sa kanyang post, naibahagi ni Herlene Budol ang tungkol sa pagbigay sa kanya ni Karen Davila ng pera na umabot sa halagang P100,000

- Ito umano ang kinita ng video ni Karen kung saan nakapanayam niya si Herlene na inilabas niya halos tatlong linggo na ang nakakalipas

- Ayon kay Herlene, naiyak siya nang matanggap ang perang iyon lalo at bawal muna siyang tumanggap ng ibang trabaho matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas

- Aniya, sa income na lamang sa YouTube siya umaasa sa kasalukuyan habang bawal pa siyang tumanggap ng ibang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si Herlene Budol na isang malaking sorpresa sa kanya nang makatanggap siya ng pera mula kay Karen Davila. Ito umano ang kinita ng video ni Karen kung saan nakapanayam niya si Herlene na inilabas niya halos tatlong linggo na ang nakakalipas.

Read also

Herlene "Hipon Girl" Budol, nagpasalamat sa mga "Wil" ng kanyang buhay

Herlene Budol, naiyak nang bigyan siya ni Karen Davila ng P100,000
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Sa kanyang post, naibahagi ni Herlene Budol ang tungkol sa pagbigay sa kanya ni Karen Davila ng pera na umabot sa halagang P100,000.

Ayon kay Herlene, naiyak siya nang matanggap ang perang iyon lalo at bawal muna siyang tumanggap ng ibang trabaho matapos niyang sumali sa Bb. Pilipinas. Aniya, sa income na lamang sa YouTube siya umaasa sa kasalukuyan habang bawal pa siyang tumanggap ng ibang trabaho.

Isang malaking karangalan po uli yung nag Congratulate si Mam Karen Davila sa pag pasok ko sa Binibining Pilipinas 2022 at eto pa ang surpresa nya sa akin mga KaHipon at hanggang ngayon walang tigil iyak ko. ibinigay po nya sa akin yung earnings sa youtube nya nung ininterview nya sa akin nakaraan April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nag register ng Binibining Pilipinas na umabot ng 2.2M views. Mam Karen, God bless you more po at malaking tulong po eto para sa aking pamilya at ibibigay ko po eto kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko. Salamat ng Marami dahil 3 mons ako bawal mag tanggap ng trabaho at endorsement sa policy ng Binibining Pilipinas. kaya umaasa nalang din ako ng income sa youtube Channel ko sa pag pa vlog! mga KaSquammy sa mga indi pa naka panood ng interview ko po kay Mam Karen e ilagay ko sa comment section ang link. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino at Pinakilala mo sa akin si Mam Karen Davila.

Read also

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Kamakailan ay ibinahagi ni Herlene na kagaya ni Madam Inutz ay napagpasyahan niyang magpa-manage kay Wilbert Tolentino. Abot-abot ang kanyang pasasalamat sa pagtulong sa kanya ni Wilbert lalo na sa pag-ayos ng kanyang bangko para sa kanyang sahod sa YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel