Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza

- Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Jake Cuenca ang kanyang picture na lumuluha

- Kasunod ito ng kanyang pagsasapubliko ng estado ng relasyon nila ni Kylie Versoza

- Aniya, nagkahiwalay man sila ni Kylie ay proud pa rin sila sa kanilang dalawa dahil hindi nila gustong maghiwalay na may samaan ng loob

- Napagkasunduan umano nilang maghiwalay nang walang hinanakit sa isa't-isa nang wala silang sama ng loob tuwing maiisip nila ang kanilang pinagsamahan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang minuto lang matapos niya isapubliko ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na si Kylie Versoza, isang Instagram story ang ibinahagi ni Jake Cuenca. Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Jake. ang kanyang picture na lumuluha.

Jake Cuenca, emosyonal matapos isapubliko ang tungkol sa paghihiwaly nila ni Kylie Versoza
Kylie Versoza at Jake Cuenca (@juancarloscuenca)
Source: Instagram

Kinumpirma ni Jake na hiwalay na nga sila ng kanyang girlfriend. Napagkasunduan umano nilang maghiwalay nang walang hinanakit sa isa't-isa nang wala silang sama ng loob tuwing maiisip nila ang kanilang pinagsamahan kaya nanatili silang magkaibigan.

Read also

Angeline Quinto, kasama ang makeup kit sa kanyang hospital bag

Lagi pa rin umano siyang nakasuporta kay Kylie at dasal niya pa rin ang tagumpay para sa beauty queen na kanyang nakarelasyon sa loob ng tatlong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang lumabas ang tungkol sa balita matapos mapansin ng mga netizens na wala na silang masyadong pictures na magkasama. Naging basehan din ng ilan ang mga cryptic posts ng dalawa. Gayunpaman, lalong naging maigting ang epikulasyon matapos maging emosyonal ni Kylie sa kanyang guesting sa It's Showtime.

Si Jake Cuenca ay isang Filipino-American actor at model. Isinilang siya sa San Jose, California at lumaki sa Manila. Naglaro dn siya sa United Football League Division 2.

Una siyang na-discover ng talent scout na si Arvin Bentonon para sa Cosmo Modeling Agency sa edad na siyam na taong gulang. Kasunod nito ay naging bahagi siya ng ilang commercials sa TV at print ads. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay In the Name of Love (2011), Encantadia (2005) and Ang Panday (2017).

Read also

Pau Fajardo, aminadong kailangan pa ng oras para makapagpatawad

Naging bahagi din siya ng grupong Coverboys kasama sina Sam Milby, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Victor Basa at John Lloyd Cruz.

Kamakailan ayy nag-trend si Jake matapos niyang ilabas ang ilang cryptic posts. Maging si Kylie ay nag-post ng salitang "broken" kaya lalong umigting ang usap-usapang hiwalay na nga sila ni Jake.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel