Elisse Joson, ikinuwento ang pag-iyak na siyang dahilan ng 'di pag-alis noon ni McCoy

Elisse Joson, ikinuwento ang pag-iyak na siyang dahilan ng 'di pag-alis noon ni McCoy

- Ikinuwento ni Elisse Joson ang huling beses na siya'y nag-iiyak at ito ay dahil sa nobyong si McCoy De Leon

- Maging siya ay nagulat sa kanyang reaksyon gayung maayos namang nagpaalam sa kanya ang kanyang nobyo

- Mayroon lamang daw itong isang detalye na hindi agad nito nasabi dahilan para maging emosyonal ang aktres

- Gayunpaman, pinili pa rin ni McCoy na hindi umalis kahit pinapayagan naman talaga siya noon ni Elisse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni Elisse Joson ang dahilan ng huling beses niya na pag-iyak at ito ay dahil sa nobyong si McCoy De Leon.

Elisse Joson, ikinuwento ang pag-iyak na siyang dahilan ng 'di pag-alis noon ni McCoy
Elisse Joson at McCoy De Leon (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na aminadong iyakin si Elisse. Subalit kamakailan, maging siya ay nagtaka sa sarili dahil sa kanyang naging reaksyon nang magpaalam na magpunta ng Tagaytay si McCoy kasama ang kanyang mga kaibigan.

Read also

Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo

Sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz, sinabi ni Elisse na isang detalye lamang umano ang hindi nasabi ni McCoy na siyang dahilan para siya'y maging emosyonal.

"Itong last na iyak ko, hindi ko alam kung part ba ito ng pagiging babae. Kasi after kong umiyak, nawindang din ako sa sarili ko, bakit ako umiyak and bakit ako ganun? Bakit ko nagawa 'yun?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kasi magta-Tagaytay lang naman siya kasama 'yung mga kaibigan niya. Sige go, pinayagan ko po siya. Hindi naman siya nagpaalam pero okay sa akin na pumunta siya with his friends. Meron lang siyang na-miss out na detail,
"Bakit hindi mo nasabi sa'kin 'yun. Bigla na lang po akong nag-freak out. Bigla na lang pong 'hala ba't hindi niya nasabi sa'kin 'yun?"

Dahil sa nangyari, pinili na lamang daw ni McCoy na hindi umalis kahit na pilit pa rin siyang pinasasama ni Elisse sa lakad dapat kasama ang kanyang mga kaibigan.

Read also

Lalaki sa viral na video sa Baguio market, pinabulaanang sinigawan si Jillian Robredo

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Elisse at McCoy mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Elisse Joson ay isang Filipino actress, commercial model at brand endorser. Mas lalo siyang nakilala sa isang McDonald's ad noong 2016. Naging bahagi rin siya ng FPJ's Ang Probinsyano, The Good Son, Ngayon at Kailanman, at Sandugo.

Produkto rin siya ng isa sikat na reality show sa Pilipinas, ang Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya ang kanyang nobyong si McCoy De Leon.

Kaya naman nito lamang Oktubre 31, ginulat ng 'McLisse' ang publiko sa kanilang rebelasyon na mayroon na silang Baby Girl.

Naroon sila sa bahay ni Kuya muli upang kunin na ninong si Big Brother ng kanilang Baby Felize. Mula nang maganap ang rebelasyon, marami ang nagpahayag ng pagbati sa dalawa sa pagkakaroon ng super cute na baby girl.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel