Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

- Matapos ang kanilang rebelasyon sa PBB House, inilabas ni Elisse Joson ang kanyang 'A day in my life' video

- Isang araw matapos na kunin nilang 'ninong' si Kuya ng 'Pinoy Big Brother', tuluyan nang ipinakita nina McCoy at Elisse ang buhay na nila kasama ang super cute na baby nila na si Felize

- Maraming netizens ang natuwa para sa "McLisse" lalo na nang mapanood ang video kung saan makikita ang saya ng dalawa

- Marami man ang nagulat sa rebelasyon ng dalawa na mayroon na pala silang supling, marami ring malalapit nilang kaibigan at mahal sa buhay ang nagpabatid ng kasiyahan sa biyayang natanggap ng "McLisse"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Elisse Joson sa kanyang YouTube channel ang kakaibang 'A Day in my Life' niya dahil ngayon, kasama na nila sa video si Baby Felize.

Read also

Elisse Joson sa pagbubuntis niya kay baby Felize: "I am also scared"

Nalaman ng KAMI na isang araw matapos ang rebelasyon nila ng nobyong si McCoy De Leon sa Pinoy Big Brother House, isinapubliko na nila ang kanilang buhay kasama ang kanilang Baby girl.

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize
Sina Elisse, McCoy at Baby Felize (@elissejossonn)
Source: Instagram

Sa 'ADIML' (a day in my life) video ni Elisse, ibinahagi rin niya ang kanyang pinagdaanan sa pagbubuntis.

Maging ang ultrasound pa lamang noon ni Baby Felize ay kanya ring ipinakit. Nabanggit niya noong nakaramdam din siya ng takot buhat nang malamang siya ay buntis dahil hindi pa niya alam kung paano maging ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit sa kalaunan ng video, makikita kung gaano sila kasaya ni McCoy ngayong mayroon nang 'Felize' na mas lalong nagbigay kahulugan sa pag-iibigan nila.

Si Elisse Joson ay isang Filipino actress, commercial model at brand endorser. Mas lalo siyang nakilala sa isang McDonald's ad noong 2016. Naging bahagi rin siya ng FPJ's Ang Probinsyano, The Good Son, Ngayon at Kailanman, at Sandugo.

Read also

Heaven Peralejo, ibinida so social media ang kanyang angel costume

Produkto rin siya ng isa sikat na reality show sa Pilipinas, ang Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya ang kanyang nobyong si McCoy De Leon.

Kaya naman nito lamang Oktubre 31, ginulat ng 'McLisse' ang publiko sa kanilang rebelasyon na mayroon na silang Baby Girl.

Naroon sila sa bahay ni Kuya muli upang kunin na ninong si Big Brother ng kanilang Baby Felize. Mula nang maganap ang rebelasyon, marami ang nagpahayag ng pagbati sa dalawa sa pagkakaroon ng super cute na baby girl.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel