Heaven Peralejo, ibinida so social media ang kanyang angel costume

Heaven Peralejo, ibinida so social media ang kanyang angel costume

- Hindi nagpahuli si Heaven Peralejo pagdating sa pasabog na costume para sa Halooween

- Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Heaven ang kanyang costume kung saan suot niya ang itim na damit at pakpak

- Sa kanyang caption ay nilagay ni Heaven ang mga salitang "Your Angel"

- Umani ng mga reaksiyon ang kanyang post at marami din sa kanyang fans ang natuwa sa kanyang Halloween costume

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pabonggahan ang mga artista sa kanilang Halloween costume sa Instagram. Hindi naman nagpahuli ang aktres na si Heaven Peralejo sa kanyang costume kung saan nakasuot siya ng kulay itim na damit at itim din na pakpak.

Heaven Peralejo, ibinida so social media ang kanyang angel costume
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Sa kanyang caption ay nilagay ni Heaven ang mga salitang "Your Angel. Umani ng mga reaksiyon ang kanyang post at marami din sa kanyang fans ang natuwa sa kanyang Halloween costume.

Read also

Alex at Toni Gonzaga, kinaaliwan sa kanilang "Sarah at Miss Minchin" costumes

Samantala, agaw-pansin din ang Sarah, Miss Minchin at Cedie na outfit nina Alex at Toni Gonzaga pati na rin ni Seve Soriano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019. Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Naging usap-usapan din ang relasyon ng aktres sa aktor na si Kiko Estrada. Matapos linawin ni Kiko na hindi si Heaven ang 3rd party sa hiwalayan nila ng dating kasintahang si Devon Seron, mas naging bukas sila sa pagpost ng kanilang mga pictures.

Muli lang silang naitriga matapos mapansin ng mga netizens na hindi na naka-follow si Kiko sa IG account ni Heaven. Burado na rin lahat ng ibinahaging pictures ni Kiko sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang aktres. Kamakailan lang din nang aminin ni Heaven na single na siya ngunit hindi pa umano ready to mingle.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel