Alex at Toni Gonzaga, kinaaliwan sa kanilang "Sarah at Miss Minchin" costumes

Alex at Toni Gonzaga, kinaaliwan sa kanilang "Sarah at Miss Minchin" costumes

- Marami ang naaliw sa magkapatid na Alex at Toni Gonzaga matapos nilang ibahagi ang kanilang costume nagyong Halloween

- Base sa kanilang mga post, ang kanilang costume ay hango sa cartoon at pelikulang Princess Sarah

- Si Alex ang nasuot ng costume na Princess Sarah samantalang ang kanyang ate naman ang kontrabida sa nasabing kwento, si Miss Minchin

- Biro pa ni Alex, tila hindi naman iyon costume para sa kanila kundi parang nangyayari umano sa totoong buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pagdiriwang ng Hallooween, iba-iba ang mga ibinidang mga costume ng mga artista. isa sa kinagiliwan sa social media ay ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga na nagsuot ng Princess Sarah at Miss Minchin costume.

Alex at Toni Gonzaga,kinaaliwan sa kanilang "Sarah at Ms. Minchin" costumes
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Si Alex ang nasuot ng costume na Princess Sarah samantalang ang kanyang ate naman ang kontrabida sa nasabing kwento, si Miss Minchin. Biro pa ni Alex, tila hindi naman iyon costume para sa kanila kundi parang nangyayari umano sa totoong buhay.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Si miss Minchin at si princess Sarah.. parang totoong buhay lang ah hindi costume

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang anak naman ni Toni na si Seve ay nakagayak bilang si Cedie, Ang Munting Prinsipe.

Eto na anak pala ni Ms Minchin si Seve ay CEDIE pala, kawawang princess Sarah!

Haaayyyy pinagtatalop na ng patatas pinaaalagaan pa ang anak nyang si Cedie. Ang lupit mo Ms Minchin!!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Havey! Hahaha. Gusto ko yung patatas nasa damuhan lang mapipitas!
Di ko po alam kung matatawa ako o magha heart react sa inyong photos Ate Alex bast ang kyutt nyo po & gaganda nyo pong mag sister❤ God Bless po sa inyo
Ang cute ng mag sister bagay ky toni Mag miss minchin.C Princess Sarah nman pang asar haha

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersyal na ginawa ni Brenda Mage sa PBB: "Sana 'Wag siyang ma-evict"

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel