Ogie Diaz sa kontrobersyal na ginawa ni Brenda Mage sa PBB: "Sana 'Wag siyang ma-evict"

Ogie Diaz sa kontrobersyal na ginawa ni Brenda Mage sa PBB: "Sana 'Wag siyang ma-evict"

- Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang Showbiz Update ay ang tungkol sa konrtrobersyal na naging usapan nina Eian Rances sa Brenda Mage

- Marami raw kasi ang napa-react sa diretsahang mga paramdam ni Brenda kay Eian na tila hindi raw nararapat gayung napapanood ang bawat kilos nila sa PBB house ayon sa netizens

- Ayon naman kay Ogie, huwag sanang ma-evict agad si Brenda at pagsabihan na lamang ni Kuya

- Maganda pa naman daw ang kombinasyon ng mga celebrity housemates ngayon na may iba't ibang personalidad tulad na lamang ng ipinakita ni Brenda

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maraming ang napa-react sa nakunan ng camera sa Pinoy Big Brother house kung saan tila naging maselan na ang usapan ng celebrity housemates na sina Eian Rances at Brenda Mage.

Read also

Annabelle Rama, na-imbyerna umano kay Vice Ganda dahil sa "Pacquiao University" joke

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga napag-usapan nina Mama Loi at Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Updates.

Ogie Diaz sa kontrobersyal na ginawa ni Brenda Mage sa PBB: "Sana 'Wag siyang ma-evict"
Photo: Brenda Mage
Source: Instagram

"Kinukulit niya, sinasabi na nga ni Eian na 'uy 'wag ganun bad 'yun," pahayag ni Mama Loi patungkol sa nagawa ni Brenda.

"Kahit sa iba 'wag mong gagawin kasi naging maganda yung sagot ni Eian doon," pahayag naman ni Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Si Brenda kasi nakalimutan niya na napapalibutan ng CCTV camera ang buong bahay ni Kuya. So feeling niya, nandun pa siya sa bahay niya," dagdag pa ni Ogie.

Dahil sa mga kaganapang ito, marami ang posibleng mangyari kay Brenda. Maaring ma-evict o forced evict at maari rin umanong idaan ito sa botohan ayon pa kay Ogie.

"Alam mo itong si Brenda magandang nandoon siya, may spice. Kasi kung lahat sila perfect, kung lahat nalang sila ay magagandang ugali ang ipinapakita doon, wala na," paliwanag ni Ogie.

Read also

Ogie Diaz, nakipagsabayan ng biritan sa viral music teacher na si Teacher Dan

"Kung puro tama 'yung ginagawa nila, ang boring. Promise, ang boring," dagdag pa ni Ogie Diaz.

Narito ang kabuuan pa ng kanyang komento patungkol sa isyung ito na mapapanood sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Makailang beses na ring napag-usapan sa kanyang showbiz update ang umano'y isyu tungkol sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Naniniwala umano si Ogie na hindi na magtatagal pa ang isyu ng dalawa at maaring mamagitan na rito ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel