Ogie Diaz sa Php6 million na pera ni Kylie Padilla: "Depleting talaga 'yung savings niya"

Ogie Diaz sa Php6 million na pera ni Kylie Padilla: "Depleting talaga 'yung savings niya"

- Naikwento ni Ogie Diaz na nauubos na raw talaga ang savings ni Kylie Padilla

- Isa umanong common friend nila ni Kylie ang nagkumpirma nito sa kanya na mula sa anim na milyong pisong savings ng aktres, papaubos na ito

- Sinasabing noong nagsasama pa sina Kylie at Aljur Abrenica, kinakapos umano ang dalawa sa budget kaya nabubunot ni Kylie ang kanyang ipon

- Dahil dito, sinabi ni Ogie na kakaunti na lamang umano ang pera ni Kylie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tahasang naikwento ni Ogie Diaz ang tungkol sa napabalitang naubos umano ang savings ng kontrobersyal na aktres ngayon na si Kylie Padilla.

Nalaman ng KAMI na mayroon umanong common friend sina Ogie at Kylie na siyang nakapagkwento sa komedyante at showbiz reporter ng tungkol sa Php 6 million na ipon ng aktres.

Read also

Ogie Diaz sa kaso ni Tony Labrusca: "May kinalaman ito sa pag-inom"

Ogie Diaz sa Php6 million na pera ni Kylie Padilla: "Depleting talaga 'yung savings niya"
Kylie Padilla
Source: Facebook

"Ang chika sa akin na na-shock siya dahil naubos daw 'yung savings ni Kylie," panimula ni Ogie.

"Meron kaming common friend ni Kylie, na na-schock siya na from Php6 million pa si Kylie parang depleting talaga yung savings niya," dagdag pa ni Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So 'nung tinanong si Kylie ano ba ang nangyari, bakit ganito na lang ang pera mo? Eh kasi nga, kinakapos sila ni Aljur, kaya siya 'yung bumubunot," dagdag pa ni Ogie.

Napansin din ni Mama Loi na tila may kaugnayan din ito sa nabanggit sa post ng nagpakilalang pinsan ni Kylie kung saan dumating umano sa puntong wala nang maibigay na pangkain si Aljur para sa kanilang pamilya at ang pahayag nito kay Aljur na "you owe her (Kylie) a lot of money which she never took against you."

Read also

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

Gayunpaman, hiling din ni Ogie Diaz na matapos na ang kontrobersyang ito alang-alang umano sa mga anak nina Kylie at Aljur.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel