Ogie Diaz sa kaso ni Tony Labrusca: "May kinalaman ito sa pag-inom"

Ogie Diaz sa kaso ni Tony Labrusca: "May kinalaman ito sa pag-inom"

- Sa showbiz update ni Ogie Diaz, sinabing hindi nadadaluhan ni Tony Labrusca ang hearing ng korte sa kanya

- Sinabing namataan lamang ito na 'chillax' at nakikipag-party lamang

- Hiling ng naghain ng reklamo ang hold departure order sa aktor, subalit pinaniniwalaang nakalabas na ito ng bansa

- Payo ni Ogie sa aktor na maging aral umano ang nangyayari at isipin dapat ni Tony ang career nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napag-usapan nina Mama Loi, Tita Jegs at Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel ang umano'y kaso ng aktor na si Tony Labrusca.

Nalaman ng KAMI na hindi umano dumadalo si Tony sa unang hearing ng kaso at namataan pa raw ito na 'chillax' at nagpa-party.

Ang kasong tinutukoy ay ang two counts ng acts of lasciviousness and aggravated slight physical injuries.

Read also

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

Ogie Diaz sa hearing na 'di sinisipot ni Tony Labrusca: "May kinalaman ito sa pag-inom"
Photo: Tony Labrusca
Source: Facebook

Dagdag pa rito, nag-file din ang complainant ng hold departure order subalit pinaniniwalaang nasa labas na ng bansa ang aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, pinayuhan ni Ogie si Tony na daluhan ang naturang hearing dahil warrant of arrest na ang susunod na hindi pagdalo.

Nakarating din umano sa showbiz reporter na ang labis na pag-inom ng aktor ang nagiging ugat ng mga reklamo laban sa kanya.

"Nababalitaan ko rin, 'pag si Tony raw ay umiinom ng sobra, e talaga namang parang nawawala sa sarili.. nag-iiba ang ugali," pagbabahagi ni Ogie.

"Si Tony kasi medyo harot kapag nakakainom," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Ogie, magsilbing aral umano ang reklamong ito kay Tony.

"Magsilbing lesson na ito kay Tony, 'wag masyadong iinom anak ha... Isipin mo meron kang career"

Read also

Aljur sa isyu nila ni Kylie: "She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami"

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Samantala, si Anthony Angel Jones Labrusca, Jr., o mas kilala bilang si Tony Labrusca ay isang Filipino model at actor na anak naman ng celebrities na sina Boom Labrusca at Angel Jones. 2016 nang mapansin siya ng marami sa kanyang McDonald's commercial subalit mas nakilala sa pagganap niya sa pelikulang "Glorious" kasama si Angel Aquino.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel