Wilma Doesnt sa kanyang empleyadong PWD at dating palaboy: "Pamasahe ko sila sa langit"

Wilma Doesnt sa kanyang empleyadong PWD at dating palaboy: "Pamasahe ko sila sa langit"

- Kahanga-hanga ang paraan ng pagkuha ng empleyado ni Wilma Doesnt para sa kanyang resto

- Hindi niya umano hinananapan ng resume ang kanyang mga empleyado gayung tulong na niya ang pagbibigay sa mga ito ng trabaho

- Dahil dito, isa sa mga staff niya ay person with disability habang ang isa naman ay dating palaboy

- Tinawag niya ang mga ito na kanyang "pamasahe sa langit" na kahit wala siyang hinihinging kapalit, alam ni Wilma na totoo sa kanyang puso ang pagmamalasakit sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang kakaiba at kahanga-hanga ang pagpili ni Wilma Doesnt ng kanyang staff sa restaurant na "Chicks ni Otit".

Nalaman ng KAMI na hindi raw tumutingin sa resumé sa pagkuha niya ng trabahador.

Wilma Doesnt sa mga kanyang empleyadong PWD at dating palaboy: "Pamasahe ko sila sa langit"
Wilma Doesnt (@doesntwilma)
Source: Instagram

"Hindi kami tumitingin sa resume, tumitingin kami sa mata. Gaano mo ba ka-need yung work, kasi ako need ko ng worker," paliwanag ni Wilma

Read also

Wilma Doesnt, inalala ang ama: "Nung nagka-Alzheimer's siya, ako lang ang memory niya"

Dahil dito, isa sa mga empleyado niya ay person with disability (PWD). Hindi raw ito makapagsalita at hindi rin ito makarinig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang toka niya, dishwasher siya saka siya yung in-charge sa mga preparations. Dahil two years na siya sa akin, nakakapag-fried rice na siya, nakakapagluto-luto na siya. Sa oras ng kagipitan, naasahan na rin namin siya."

Maging ang doktor ay humanga kay Wilma nang minsan niyang ipa-check up ang empleyadong ito. Kahit hindi kasi marunong mag-sign language si Wilma, nauunawaan nito ang nasasabi ng kanyang empleyado at naipaliliwanag sa doktor.

"Una kasi matalino siya. Makikita mo rin sa kanya 'yung malasakit niya sa trabaho, yung malasakit niya sa amin. So ikaw may malasakit ka rin. Autimatic 'yun, sabi nga nung doktor sa amin nung pina-check up ko siya, ang tawag diyan Wilma 'language of love'"

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Ang isa namang empleyado ni Wilma ay palaboy na lakas-loob na lumapit sa kanya at nagsabing nais nito ng trabaho.

"Ito pamasahe ko na sa langit. Siya 'yung staff ko na 'no read no write'. Siya 'yung tipo ng tao na lumaki sa kalye, natutulog sa jeep, tricycle driver. Until lumapit siya, kailangan niya ng trabaho, tinanggap ko siya," kwento ni Wilma.

Kinupkop talaga niya ang empleyadong ito. Balak na rin nila itong pabinyagan at asikasuhin ang iba pa nitong dokumento para na rin maikuha nila ito ng national ID at mabigyan ng mga benepisyo.

"Gusto kong iparamdam sa kanya na ikaw ay tao ha, so kinakailangan na mabuhay ka ng disente."

Narito ang nakakaantig ng pusong panayam kay Wilma Doesnt na mapapanood sa Youtube channel ni Ogie Diaz:

Si Wilma Doesnt ay isang kilalang komedyante at aktres sa Pilipinas. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Sisterakas (2012), Beauty and the Bestie (2015) at Magikland (2020).

Nito lamang Hulyo, masaya nilang inanunsyo ng kanyang nobyo na si Gerick Livelo Parin ang kanilang engagement. Natuwa ang mga netizens lalo na nang sabihin niyang 'forever' na siyang Doesnt dahil sa oras na sila'y ikasal ng nobyo, "Wilma Doesnt Parin" ang kanyang pangalan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica