Wilma Doesnt, minabuting walang WiFi sa kanilang bahay para turuan ng leksyon ang mga anak

Wilma Doesnt, minabuting walang WiFi sa kanilang bahay para turuan ng leksyon ang mga anak

- Naikwento ni Wilma Doesnt na minabuti niyang walang WiFI sa kanilang tahanan at wala naman ni isa sa kanyang mga anak ang umalma dito

- Mas gusto raw niya na magkakaharap silang pamilya nang walang hawak na gadget

- Bilang ina, siya raw talaga ang masusunod kaya naman nang ipatupad niya ito, di naman nagreklamo ang 17 at 15 anyos niyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayong tila isang 'necessity' na ang wifi connection maging sa ating mga tahanan, minabuti pa rin ng model at TV personality na si Wilma Doesnt na di magpa-konekta ng WiFi para na rin sa kanyang mga anak.

“No WiFi sa bahay!” ani Wilma.

Nalaman ng KAMI na wala naman ni isa sa kanyang apat na anak ang nagtangkang magreklamo sa ganitong patakaran sa kanilang tahanan.

“They never ask. I’m the mother, and that’s my rule,” pagbibigay diin niya.

Kinuwento rin ni Wilma na ang tanging may smartphone at gadget sa mga anak niya ay ang 17 anyos at 15 anyos ngunit ang dalawang bunso, ay minabuting di na muna niya binigyan ng anumang gadget.

“Yung seventeen saka fifteen ko, meron silang cellphone.

“Pero yung ten saka yung four, wala silang gadgets. Wala kaming gadgets," dagdag pa ni Wilma.

Dahil daw dito natututo nang makisalamuha ang kanyang mga anak at makihabilo sa kahit kaninong tao.

Dati raw kasi, pinagbabawalan ang mga bata na huwag magbabad masyado telebisyon, ngayon pinagbabawalan ang sobrang pagbababad sa kani-kanilang mga gadgets na may internet.

Laking pasalamat ni Wilma na wala ni isa sa kanyang mg anak ang nagreklamo sa ganitong patakaran ng kanilang ina na marahil alam nilang para sa ikabubuti rin naman nila ito.

Apat ang anak ni Wilma na may edad na apat hanggang 17 at pinagmamalaki niyang masunurin ng mga ito sa kanya.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI YOutube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one

Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one

Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel