Alex Gonzaga, naging daan para magkaroon ng tricycle ang pamilya ng 12-anyos na valedictorian
- Natanggap na ng isang 12-anyos na valedictorian ang tricycle na mula sa "Libreng Tricycle sa MRT-3 Vlog ni Alex Gonzaga
- Sa naturang vlog, nahiritan ni Alex si DOTr Secretary Art Tugade ng tricycle na maari nilang ibigay masuwerteng nanood ng video
- Napili ang batang isa pa lang honor student dahil maayos nitong nasabi kung ano ang pinaka-nagustuhan niyang pagbabago sa public transport
- Naikwento rin ng bata na sira na umano ang tricycle na pampasada sana ng ama ngunit hindi maipaayos gayung nakalaan ang kanilang pera sa tuition ng kuya niya na papasok sa kolehiyo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Natanggap na ng 12-anyos na batang si Vincent Sotalbo ng Nagcarlan, Laguna ang tricycle na mula sa "Libreng Tricycle sa MRT-3 Vlog ni Alex Gonzaga.
Matatandaang noong Hulyo 26, nakasama ni Alex si Department of Transportation Secretary Art Tugade sa kanyang vlog kung saan sumakay sila sa MRT-3.
Bago matapos ang naturang vlog, nahiritan ni Alex ang DOTr secretary na mag-sponsor ng isang tricycle para sa masuwerteng manonood ng kanilang video.
Kailangan lamang umanong sagutin ng nais magkaroon ng isang tricycle ang tanong na "Anong paborito niyong parte ng projects ng DOTR?"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Noong Hulyo 30, natanggap umano ni Sec. Tugade ang email ni Vincent na nakapukaw ng kanilang atensyon.
Sa kanyang email, sinabi ni Vincent na natutuwa siya na mas malinis na ang mga pampublikong sasakyan ngayon kumpara dati. Maganda rin daw na air-conditioned na ang mga ito at nakakapagpatupad ng safety protocols."
Dagdag pa ng kalihim, nabanggit din umano ni Vincent ang dahilan kung bakit nais niyang magkaroon ng bagong tricycle na para sa kanyang ama.
"Malungkot ding ibinahagi ni Vincent na laging nasisira ang sasakyang ginagamit pampasada ng kanyang tatay kaya hindi rin nila ito mapakinabangan."
Hindi naman basta maipaayos ng kanyang ama ang tricycle dahil ang isinusubi nilang pera ay nakalaan sa pagpasok sa kolehiyo ng nakatatandang kapatid ni Vincent.
Lalong humanga si Sec. Tugade nang malamang nagtapos ng valedictorian si Vincent noong elementarya at talagang consistent honor student.
Kaya naman ito ang napili nilang mabigyan ng tricycle na tunay na nakapagbigay pag-asa at inspirasyon lalo na ngayong maraming pamilya ang sinusubok ng pandemya.
Si Catherine o mas kilala bilang si 'Alex Gonzaga' ay isang Filipina actress, TV Host, entrepreneur at comedienne sa bansa. Siya ang nag-iisang kapatid ng isa ring aktres at TV host na si Toni Gonzaga. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ikinasal si Alex kay Mikee Morada.
Kamakailan, pumalo na sa one billion ang views ng mga videos ni Alex sa kanyang YouTube channel. 11 million naman ang bilang ng kanyang subscribers.
Ang kanyang vlog ang naging daan para mabiyayaan ang pamilya ng batang si Vincent na mayroon na muling bagong tricycle na magagamit na pangkabuhayan ng kanyang ama.
Source: KAMI.com.gh