Alex Gonzaga at DOTr Sec. Tugade, magbibigay ng e-trike sa masuwerteng nanood ng kanilang vlog

Alex Gonzaga at DOTr Sec. Tugade, magbibigay ng e-trike sa masuwerteng nanood ng kanilang vlog

- Magbibigay umano ng e-trike si DOTr Secretary Art Tugade sa masuwerteng nanood ng vlog nila ni Alex Gonzaga

- Tila nakantsawan ni Alex na magbigay ng e-trike ang trasporation secretary matapos nilang inspeksyunin ang MRT 3

- Pipili sila ng isang masuwerteng mabibigyan ng e-trike at kailangan lamang nitong magkomento sa nasabing video

- Nagbiro pa umano si Alex at sinabing lulutuin na lamang ang raffle at papapanalunin na lamang ang kanyang mister na si Mikee Morada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bago matapos ang isang masaya at nakatutuwang vlog ni Alex Gonzaga, kasama si Department of Transportation (DOTr) secretary Art Tugade, biglaan silang nagkaroon ng giveaway.

Nalaman ng KAMI na nagbiro si Alex ng paghingi ng prangkisa ng tricycle kay Sec. Tugade. At dahil hindi na ito sa ilalim ng kanyang nasasakupan, sinabi nitong maari na lamang niyang bigyan ng tricycle si Alex.

Read also

Alex Gonzaga, nakipagkulitan kay DOTr Sec. Tugade habang nag-iinspeksyon ng MRT 3

Alex Gonzaga at DOTr Sec. Tugade, magbibigay ng e-trike sa masuwerteng nanood ng kanilang vlog
Photo: Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

"'Yung sa tricycle po, hindi po sa LTO 'yan, nasa local government po 'yan. Pero matutulungan siguro kitang magkaroon ng tricycle," pahayag ni Sec. Tugade.

Dahil dito, nagkaroon ng instant giveaway si Alex sa mga makakapanood ng kanyang vlog.

Aniya, kailangan lamang na magkomento ng mga netizens ng mga magaganda nilang nakita sa mga proyekto ng DOTr. Pipili sila ng isang masuwerteng mananalo ng e-trike.

Narito ang kabuuan ng masaya at makulit na video na mapapanood sa Alex Gonzaga YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Catherine o mas kilala bilang si 'Alex Gonzaga' ay isang Filipina actress, TV Host, entrepreneur at comedienne sa bansa. Siya ang nag-iisang kapatid ng isa ring aktres at TV host na si Toni Gonzaga. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ikinasal si Alex kay Mikee Morada.

Kamakailan, pumalo na sa 1 billion ang views ng mga videos ni Alex sa kanyang YouTube channel. 11 million naman ang bilang ng kanyang subscribers.

Read also

Tito Vince Flores, sinabing lalong hindi aalis kung may babalik na "epal"

Isa sa mga natulungan din niyang YouTuber ay si Herlene "Hipon Girl" Budol na pinasalamatan siya dahil siya ang sinasabing dahilan nito ng pagkakaroon ng isang milyon na subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel