Alex Gonzaga, nakipagkulitan kay DOTr Sec. Tugade habang nag-iinspeksyon ng MRT 3

Alex Gonzaga, nakipagkulitan kay DOTr Sec. Tugade habang nag-iinspeksyon ng MRT 3

- Isinama ni DOTr Secretary Art Tugade si Alex Gonzaga sa pag-iinspeksyon nito ng mga train ng MRT 3

- Ipinakita nila ang kalagayan ng pagsakay sa MRT 3 sa kabila ng banta ng COVID-19

- Mapapanood din kung paano masusing nililinis ang mga tren bago ito sakyang muli ng mga pasahero

- Naging masaya ang pag-iinspeksyon dahil sa pakikipagkulitan ni Alex kay DOTr Sec. na minsan nang nakapanayam ng kanyang ate na si Toni Gonzaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan ng marami ang pinakabagong vlog ni Alex Gonzaga kung saan sumama ito sa pag-inspeksyon ni Department of Transportation Secretary Art Tugade ng MRT 3.

Nalaman ng KAMI na naging masaya ang naturang inspeksyon nang makipagkulitan si Alex at ang kanyang Tito Jojo kay DOTr Sec. Tugade gayundin sa mga empleyado ng MRT 3.

Read also

Ina ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, super proud sa tagumpay ng anak

Ipinakita nila ang sistema ng pagsakay sa mga tren. Mula sa pagpasok sa istasyon hanggang sa pagsakay.

Alex Gonzaga, nakipagkulitan kay DOTr Sec. Tugade habang nag-iinspeksyon ng MRT 3
Alex Gonzaga (Photo credit: @cathygonzaga)
Source: Instagram

Mapapansin na mayroong marshal na nagbabantay sa tren kung sumusunod ang mga sakay sa mga additional safety protocols ngayong may banta pa rin ng COVID-19.

Mahigpit na ipinagbabawal na rin ang pagsasalita sa loob ng mga tren kaya maging si Alex ay ipinakitang sinita ng marshal.

Napansin din ni Alex na malamig ang mga tren at magiging komportable ang biyahe ng mga sasakay kahit nakasuot pa rin ng face mask at face shield.

Nang makarating sa last station, ipinakita rin ang masusing paglilinis sa mga tren bago ito sakyang muli ng mga pasahero.

Lahat ng ito ay naganap habang masayang nakikipagkwentuhan kay DOTr secretary na game na game naman ng pakikipagkulitan sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Alex Gonzaga Official YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alex Gonzaga at DOTr Sec. Tugade, magbibigay ng e-trike sa masuwerteng nanood ng kanilang vlog

Si Catherine o mas kilala bilang si 'Alex Gonzaga' ay isang Filipina actress, TV Host, entrepreneur at comedienne sa bansa. Siya ang nag-iisang kapatid ng isa ring aktres at TV host na si Toni Gonzaga. Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ikinasal si Alex kay Mikee Morada.

Kamakailan, pumalo na sa 1 billion ang views ng mga videos ni Alex sa kanyang YouTube channel. 11 million naman ang bilang ng kanyang subscribers.

Isa sa mga natulungan din niyang YouTuber ay si Herlene "Hipon Girl" Budol na pinasalamatan siya dahil siya ang sinasabing dahilan nito ng pagkakaroon ng isang milyon na subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel