Araw ng kasal, naging araw ng libing ng groom na namatay sa hika

Araw ng kasal, naging araw ng libing ng groom na namatay sa hika

- Nauwi sa libing ang dapat sana'y kasalan nina Angela at James nito lamang Setyembre 2

- Anim na taong nagkasama ang dalawa at nabiyayaan na rin ng isang supling

- 2018 pa sana sila magpapakasal ngunit hindi ito natuloy subalit ang kanila sanang civil wedding ay hindi na rin naganap

- Sinuot pa rin ni Angela ang kanya sanang wedding dress at ring sa araw ng libing ng kanyang fiance

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Imbis na kasalan, naging araw pa ng libing ng nobyo ni Andrea Durias ang petsa na Setyembre 2.

Nalaman ng KAMI na sa kasamaang palad, pumanaw ang groom ni Andrea na si James sa hika.

Naulila nito ang kanilang isang anak na lalaki na bunga ng anim na taon nilang pagmamahalan.

Araw ng kasal, naging araw ng libing ng groom na namatay sa hika
Photo credit: Louie Bulalayao
Source: Facebook

Taong 2018 nang magplano silang magpakasal na ngunit hindi natuloy.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nagdesisyon silang ituloy na ito nito lamang Setyembre 2. Handa na sana ang lahat maging ang hinuhulugan nilang wedding rings sa loob ng dalawang taon.

Subalit noong Agosto 25, matindi ang atake ng hika kay James dahilan para hindi na niya ito kayanin.

Sinubukan ni Andrea na magpaalam sa simbahan kung maari pa rin silang ikasal ni James kahit pumanaw na ito subalit hindi na raw umano maaring ikasal ang patay sa nabubuhay.

Kaya naman sa araw na Setyembre 2, imbis na kanilang pag-iisang dibdib ay paghahatid niya sa huling hantungan sa sana'y kanyang magiging mister.

Gayunpaman, isinuot pa rin ni Angela ang wedding dress niya sana at wedding ring sa pamamaalam kay James.

Narito ang panayam sa kanya ng ABS-CBN News:

Kamakailan, nag-viral din ang kwentong kasalan kung saan hindi inaasahang bumuhos ang ulan sa isang outdoor wedding.

Read also

Mura, pinasalamatan ang yumaong kaibigan: "Mahal, sana masaya ka sa iyong paroroon"

Subalit imbis na itigil ang seremonya, mismong ang mga bisita ang nagdesisyon na ituloy ang kasal at hindi nila iiwan ang bride at groom.

Makikita sa kanilang larawan na basa ang lahat at matiyagang nakiisa masaksihan lamang ang pag-iisang dibdib ng dalawang malapit sa kanila.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica