Elisse Joson sa pagbubuntis niya kay baby Felize: "I am also scared"

Elisse Joson sa pagbubuntis niya kay baby Felize: "I am also scared"

- Sa ibinahaging 'A Day in my life' video ni Elisse Joson, naipakita rin niya roon ang kanyang pregnancy journey kay Baby Felize

- Nang malaman niyang siya'y buntis, halos hindi siya makapaniwala at nilarawan niya ang sarili na parang bloated lamang

- Hindi rin niya maitodo ang kanyang excitement gayung aminado rin siyang takot sa pagiging first time mom

- Subalit kinaya niya ito at makikita sa video kung gaano siya kasaya ngayong gumigising siya sa umaga na mayroon nang 'Baby Felize'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang araw matapos na isapubliko ni Elisse Joson ang pagkakaroon na nila ng baby girl ni McCoy De Leon, ibinahagi naman niya sa kanyang YouTube ang kanyang 'ADIML' (a day in my life) video kasama na si Baby Falize.

Nalaman ng KAMI na isa rin sa ibinahagi ni Elisse ay ang kanyang pinagdaanan sa pagbubuntis kay Felize na isang bundle of joy sa kanila ni McCoy.

Read also

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Elisse Joson sa pagbubuntis niya kay baby Felize: "I am also scared"
Sina Elisse Joson, Mc Coy De Leon at ang kanilang baby na si Felize Mckenzie. (@elissejosonn)
Source: Instagram

Ipinakita rin ng Kapamilya actress ang noo'y ultrasound pa lamang ni Felize.

Aminado siyang hindi halos makapaniwala na mayroon nang baby sa kanyang sinapupunan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Actually, hindi pa rin ako makapaniwala. Cause yung tummy ko is just parang busog, parang bloated, pero meron na palang baby inside!"

Sa kabila ng excitement na ito ni Elisse, inamin din ng aktres na nakaramdam siya ng takot.

"Pero hindi ko rin mapakita 'yung excitement ko rin masyado because I am also scared," naiiyak na paliwanag ni Elisse.

"I don't know how to be a mom. I bet it's hard. But kaya 'to. We will get through it."

At bago matapos ang video, ipinakita na rin si McCoy na kasama ng kanyang mag-ina. Mababakas ang kasiyahan ng 'McLisse' ngayong kasama na nila ang kanilang baby Felize.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Si Elisse Joson ay isang Filipino actress, commercial model at brand endorser. Mas lalo siyang nakilala sa isang McDonald's ad noong 2016. Naging bahagi rin siya ng FPJ's Ang Probinsyano, The Good Son, Ngayon at Kailanman, at Sandugo.

Produkto rin siya ng isa sikat na reality show sa Pilipinas, ang Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya ang kanyang nobyong si McCoy De Leon.

Kaya naman nito lamang Oktubre 31, ginulat ng 'McLisse' ang publiko sa kanilang rebelasyon na mayroon na silang Baby Girl.

Naroon sila sa bahay ni Kuya muli upang kunin na ninong si Big Brother ng kanilang Baby Felize. Mula nang maganap ang rebelasyon, marami ang nagpahayag ng pagbati sa dalawa sa pagkakaroon ng super cute na baby girl.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel