Batang lalaki sa computer shop, dinampot at napagtripan lang daw na bugbugin

Batang lalaki sa computer shop, dinampot at napagtripan lang daw na bugbugin

- Huli sa cctv ang mga lalaking nantrip di umano sa isang batang lalaki

- Dinampot na lamang ng tinatayang nasa tatlong lalaki ang batang naglalaro lamang sa computer shop at ito ay walang kalaban laban na binugbog

- Pinaghahanap na ang minumukhaan pang mga kalalakihang nahuli sa CCTV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang binatilyo ang walang awang binugbog nang di pa nakikilalang mga kalalakihan sa isang computer shop sa Harrys com shop Sarmiento Homes, Muzon San Jose del Monte, Bulacan.

Kitang kita sa cctv footage na binahagi ng Pilipino Star Ngayon kung paano napag-tripan lamang di umano ang binatilyo na nasa bungad ng nasabing computer shop.

Mapapansin ang isang lalaking walang pang-itaas na damit na palinga-linga sa shop. nagawa nitong taggalan na ng sumbrero ang binatilyong lalaki saka binalik nito sa ulo nito ng pabalagbag.

Maya maya pa ay dumating ang isa nitong kasama na may takip naman ang mukha at tuluyan nang hinablot ang binatilyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaladkad ito palabas at doon pa lamang ay nasaktan na ang binatilyo sa pagkakahulog nito sa ilang baitang ng pababa ng shop.

Nang makabangon at lalayo na sana, sinapak na muli ito ng lalaking nakatakip ng mukha. Doon napagtulungan na ang binatilyo at muntik pa itong mahampas ng silya ngunit may pumugil lang sa hahampas.

Napaupo na lamang sa labas ng computer shop ang binatilyo at patuloy pa rin ang pagsapak at pagtadyak sa kanya ng mga lalaki.

Walang kalaban laban ang binatilyo kahit pa tinatadyakan na ang kanyang ulo.

Inaalam pa kung ano ang matinding dahilan ng mga kalalakihang ito bakit ganoon na lamang ang pananakit nila sa binatilyo.

Samantala, nanawagan ang mga magulang ng binatilyo na si Eden Santiago na ipagbigay alam sa kanila sakaling may nakakilala sa mga gumawa nito sa kanyang anak.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon

"Taong lumot" sa ilalim ng tulay, nanggagambala umano sa mga tao roon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel