Zara Lopez, nagsalita na tungkol sa hindi pagsama sa Viva Hot Babes reunion concert

Zara Lopez, nagsalita na tungkol sa hindi pagsama sa Viva Hot Babes reunion concert

  • Naglabas si Zara Lopez ng mahabang pahayag sa social media kung saan ibinahagi niya ang kanyang naramdamang sakit matapos hindi mapasama sa Viva Hot Babes reunion concert at matapos mabasa ang ilang negatibong komento tungkol sa kanya
  • Ayon kay Zara, higit pa sa hindi pagkakasama sa reunion ang naging dahilan ng kanyang pagdadalamhati dahil apektado rin aniya ang kanyang matagal nang pagkakaibigan sa ilang taong bahagi ng kanyang buhay sa loob ng mahigit dalawang dekada
  • Inamin ng content creator na nakaranas siya ng matinding lungkot, pagkabalisa, pag-iyak at hirap sa pagtulog, dahilan upang ikonsidera niya ang paghingi ng professional therapy para matulungan siyang makabangon sa emosyonal na pinagdaraanan
  • Sa kabila ng lahat, sinabi ni Zara na wala siyang hangaring gumanti o magpasimula ng panibagong sigalot at iginiit niyang hangad lamang niya na marinig ang kanyang panig at mahanap muli ang kapayapaan sa kanyang buhay

Naglabas ng emosyonal na pahayag ang actress at content creator na si Zara Lopez matapos ang usaping may kinalaman sa Viva Hot Babes reunion concert.

Read also

Brenda Mage, inamin ang pagkakamali sa paggamit ng bleach sa kaniyang mga aso

Zara Lopez, nagsalita na tungkol sa hindi pagsama sa Viva Hot Babes reunion concert
Zara Lopez, nagsalita na tungkol sa hindi pagsama sa Viva Hot Babes reunion concert (đź“·Zara Lopez/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Zara ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayaring umano'y nagdulot sa kanya ng matinding lungkot sa mga nakalipas na buwan. Kabilang dito ang hindi niya pagkakasama sa reunion concert ng grupo at ang ilang negatibong komentong nabasa niya tungkol sa kanyang pagkatao.

Ayon kay Zara, matagal niyang sinubukang itago ang kanyang tunay na nararamdaman sa publiko. Gayunman, sinabi niyang hindi na niya kayang sarilinin pa ang bigat ng emosyon na kanyang dinadala.

“But the truth is, I’m not okay. And I haven’t been okay for a long time.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang pahayag, ikinuwento rin niya ang naging buhay niya bilang dating single mother at breadwinner ng pamilya bago siya naging kilala bilang content creator. Aniya, itinuring niya bilang pamilya ang ilan sa kanyang mga naging kasamahan sa Viva Hot Babes at sinikap niyang suportahan ang mga ito sa loob ng maraming taon.

Ibinahagi rin ni Zara na nasaktan siya nang mapanood ang reunion ng mga taong matagal niyang nakasama habang siya ay wala sa naturang pagtitipon.

Read also

Donny Pangilinan, nagpahayag ng saloobin tungkol sa rebelasyon ni Juby

“Ang sakit pala kapag buhay pa ang mga taong mahal mo, pero pakiramdam mo, nawalan ka na ng pamilya.”

Bukod sa usapin ng reunion, binanggit din ni Zara ang mga komento na umano'y tumawag sa kanya ng iba't ibang negatibong katawagan. Sinabi niyang mabigat para sa kanya ang mabasa ang mga ganoong pahayag, lalo na habang pinagdaraanan niya ang personal na laban kaugnay ng kanyang mental health.

Inamin ng content creator na nakaranas siya ng kalungkutan, anxiety, pag-iyak at mga gabing hindi makatulog. Dahil dito, sinabi niyang seryoso niyang ikinokonsidera ang paghingi ng tulong mula sa isang mental health professional.

“I am seriously considering seeking professional therapy because I don’t want to keep living with this heaviness in my heart.”

Dagdag pa niya, nais niyang muling maranasan ang kapayapaan at kasiyahang dati niyang nararamdaman. Isa rin sa kanyang mga hangarin ang makita ng kanyang mga anak ang isang masaya at maayos na bersyon ng kanilang ina.

Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, nilinaw ni Zara na hindi siya humihingi ng awa o pagkampi mula sa publiko. Aniya, nais lamang niyang ipaalala sa mga tao na may epekto ang mga salitang ibinabato sa kapwa.

Read also

Herlene Budol, may pabirong sagot matapos matulak ng dumaan na lalaki

“I don’t want revenge. I want my peace back.”

Nagtapos ang kanyang mensahe sa panalangin para sa paggaling ng kanyang damdamin at sa pag-asang balang araw ay magkakaroon ng pag-unawa sa pagitan niya at ng mga taong nasangkot sa isyu.

Si Zara Lopez ay nakilala bilang actress, performer at content creator. Naging bahagi rin siya ng Viva Hot Babes at kalaunan ay naging aktibo sa paggawa ng online content kasama ang kanyang partner na si Simon Javier.

Nauna nang iniulat ng KAMI na nagpahayag si Zara Lopez ng pagkadismaya matapos hindi mapasama sa Viva Hot Babes reunion. Sa naturang ulat, sinabi niyang mas masakit para sa kanya ang mga naging isyu sa pagkakaibigan kaysa sa hindi pagkakasama sa mismong concert. Binanggit din niya ang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumuporta sa kanya sa gitna ng sitwasyon.

Sa isa pang ulat, nagbahagi si Zara ng mensahe para kay Katya Santos at sa asawa nitong si Paolo Pilar. Dito niya ipinaabot ang kanyang saloobin kaugnay ng mga pahayag na umano'y naging dahilan ng kanyang pagkasama ng loob. Ang naturang post ay mabilis na nakakuha ng atensyon mula sa mga netizen at followers ng content creator.

Read also

Tuesday Vargas, ayaw madamay sa mga post ni Imelda tungkol sa isang isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate