Tuesday Vargas, ayaw madamay sa mga post ni Imelda tungkol sa isang isyu

Tuesday Vargas, ayaw madamay sa mga post ni Imelda tungkol sa isang isyu

  • Diretsahang nanawagan si Tuesday Vargas sa pamamagitan ng kanyang social media account upang pakiusapan si Ms Imelda na huwag na siyang i-tag sa mga online posts na may kinalaman sa mga nag-iinit na isyu ngayon
  • Mariing nilinaw ng kilalang komedyante na hindi siya kailanman magiging bahagi ng anumang kampanya o personal na agenda ng nasabing indibidwal laban sa komunidad ng LGBTQIA+ lalo na sa mga trans women na tinutukoy nito
  • Ibinahagi rin ng aktres na ang kanyang naging mga naunang pahayag tungkol sa pangangalaga ng mga menor de edad ay nakasentro lamang sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata at walang kinalaman sa mga isyung ibinabato ni Imelda
  • Sa pagtatapos ng kanyang mahabang mensahe ay iginiit ni Tuesday na ang pagkakamali ng isang tao ay hindi dapat isisi sa buong komunidad kaya naman nakiusap siyang huwag na siyang idamay pa sa anumang baluktot na pag-iisip

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Diretsahang nanawagan ang aktres at komedyanteng si Tuesday Vargas sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Facebook account upang pakiusapan ang isang nagngangalang Ms. Imelda na itigil na ang pag-tag sa kanya sa mga posts. Ang nasabing isyu ay may kinalaman sa mga usapin patungkol kay Kanye at sa mga ibinabatong salita laban sa komunidad ng LGBTQIA+.

Read also

Imelda Schweighart nagpaliwanag sa mga pahayag tungkol sa beauty queens

Tuesday Vargas, ayaw madamay sa mga post ni Imelda tungkol sa isang isyu
Tuesday Vargas, ayaw madamay sa mga post ni Imelda tungkol sa isang isyu (📷Tuesday Vargas/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang mahaba at malinaw na mensahe, ipinahayag ng komedyante na hindi siya kailanman sumusuporta o naging bahagi ng anumang personal na kampanya ni Imelda. Naging malinaw si Tuesday sa kanyang naging posisyon na bilang isang kilalang personalidad, malaki ang kanyang pagsuporta sa nasabing komunidad.

“Please lang Ms Imelda- HUWAG MO AKONG MA TAG TAG SA MGA POSTS MO,” panimula ng aktres sa kanyang post na agad kumuha ng atensyon ng maraming netizens.

Sinundan pa ito ng paglilinaw ng aktres tungkol sa kanyang pagiging kakampi ng mga miyembro ng LGBTQIA+. Ipinagtanggol niya ang mga transgender na kababaihan na ayon sa kanya ay sinisiraan ng nasabing indibidwal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Let’s be completely clear: I am not part of whatever agenda or narrative you are pushing regarding Kanye and your issues with the community. I am a big supporter of the LGBTQIA+ community including our trans sisters you malign, so tigilan mo ako sa pag tag sa akin please. AGAIN-” dagdag pa ng aktres sa kanyang pahayag online.

Read also

Marian Rivera, nagsalita tungkol sa mga puna sa kaniyang personalidad at pananalita

Ipinaliwanag din ni Tuesday na ang kanyang mga naunang paninindigan patungkol sa mga menor de edad ay nakasentro lamang sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata. Binigyang-diin niya na ang usapin ng child safety ay isang napakahalagang paksa na walang anumang kinalaman sa mga isyung kasarian o sa kampanyang isinusulong ni Imelda.

“Do not tag me or include me in your posts. My stance on protecting minors is entirely about child safety and welfare—it has nothing to do with whatever campaign or crusade you are runnin,” paglilinaw niya sa mga taong nag-uugnay ng kanyang pangalan sa ibang usapin.

Si Tuesday Vargas ay matagal nang kilala sa industriya bilang isang tapat at prangkang personalidad na hindi natatakot maglabas ng kanyang saloobin. Sa kabila ng kanyang pagiging komedyante at host, nakilala rin siya sa pagiging seryoso pagdating sa mga makabuluhang isyung panlipunan. Sa pagtatapos ng kanyang post, nag-iwan siya ng isang malalim na mensahe na nagpapaalala sa lahat na hindi dapat lahatin ang isang grupo dahil lamang sa maling gawain ng iilan.

Read also

Marian Rivera nilinaw ang isang lumang alegasyon sa panayam kay Vice

“Ang kasalanan ng isa ay hindi kasalanan ng lahat. Ang besides ang mali ay mali regardless of gender or sogie at kung hindi mo naiintindihan yun, huwag na lang po akong idamay sa baluktot mong pag-iisip,” mariing pagtatapos ng aktres.

Bago pa man ang mainit na isyung ito, naging laman na rin ng balita si Tuesday dahil sa kanyang mga matapang ngunit makabuluhang pahayag tungkol sa iba't ibang usapin sa showbiz.

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang matapang na pahayag ni Tuesday Vargas kung saan prangkahan niyang sinabi na hindi dapat ginagawang biro o punchline ang mga seryosong isyu. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang paninindigan na may mga bagay na hindi dapat ginagawang katatawanan lalo na kung ito ay nakakasakit na ng ibang tao. Ang kanyang naging mensahe ay umani ng suporta mula sa maraming netizens na sumasang-ayon sa kanyang malalim na pananaw.

Sa isa pang hiwalay na pagkakataon ay ipinagtanggol din ni Tuesday si Kanye Avendano matapos itong makatanggap ng isang hindi inaasahang tanong sa isang press conference. Ipinakita ng aktres ang kanyang suporta sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na punto kung bakit kailangang maging maingat sa pagtatanong sa mga ganitong uri ng kaganapan. Pinatunayan lamang nito ang pagiging mapagmalasakit ni Tuesday sa kanyang mga kasamahan sa industriya kapag nahaharap sa mga alanganing sitwasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate