Sto. Niño sa Bataan, nakunan daw ng video na gumagalaw at gumagala

Sto. Niño sa Bataan, nakunan daw ng video na gumagalaw at gumagala

- Gumawa ng ingay ang isang pamilya sa Bataan dahil sa imahen nila ng Sto. Niño na nakagagalaw daw

- Bukod sa paggalaw, nakakaligo raw ito at nakakarating sa iba't ibang bahagi ng kanilang tahanan

- Naaktuhan pa raw mismo ito ng may-ari na gumalaw ang kamay nito na nakunan sa video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lang isa kundi ilang beses nang nakunan ng video ng mga Sto. Niño sa Dinaluoihan Bataan na gumagalaw, gumagala at bumabaliktad pa raw ang pwesto.

Kwento ni Ronald Yap, may-ari ng imahen, nito lamang daw Agosto nang magsimulang magparamdama ang Sto.Niño nang sila ay kumakain ng hapunan at bigla na lamang daw tumaas ang kamay nito.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Ronald sa panayam sa kanya ng Kapuso Mo Jessica Soho, nagising na lamang sila na nakabaliktad ang imahen. Nagpasya silang di ito ibalik sa pwesto sa takot na baka kung anong elemento ang nagpapagalaw dito.

Bago raw kasi ang mga paggalaw ng imahen na ito, sinapian daw ang nakababatang kapatid ni Ronald na tawagin na lamang na "Tony".

Nalaman ng KAMI na sinuutan daw ng rosaryo si Tony ngunit nagpupumiglas ito. Ayaw din daw nito sa bibliya at maging sa holy water.

Mula noon, naisip ng pamilya nila na ang nagpapagalaw sa mga imahen ng Sto. Niño ay mga elemento.

Madalas din daw magpakita kay Tony ang mga imahen sa kanuang panaginip. Nagsasalita rin daw ito. Nakikita din niya ang mga masamang elemento na napapanaginipan niya na nasa loob mismo ng kanilang bahay.

Nang minsan pa nga raw na nawala ang isa sa mga imahen, nakabalik daw ito at may kasama pa raw itong dalawa pang bagong imahen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nabalot lalo ng misteryo ang mga imahen dahil sa hindi naman daw ito pagma-may-ari nina Ronald at saradong sarado na ang kanilang bahay noon kaya't imposible daw na may nakapasok pa.

Nang mawala pa nga raw uli ang mga karagdagang imahen, nakita nila ito sa banyo na tanggal ang damit, may sabon at bukas ang gripo na animo'y naliligo raw ang mga ito.

Kwento pa ni Tony, nang minsan pa raw na umangat ang kamay ng Sto. Niño, bigla na lamang umulan at nang binaba na nito ang kamay, huminto na rin.

Sa takot, nagpasya na silang itago ang mga ito, sinilid sa sako at tinali. Laking gulat na lang ng ina nina Ronald at Tony nang makita niya ito sa kusina na lumulutang. Agad silang nagdasal at nakita na raw nilang unti-unti itong bumaba.

Nang tingnan muli nila ang sako, laking gulat nila na wala na rin ang isa pang imahen na tinago nila. Labis nilang pinagtaka nang makita nila ang nawawalang imahen sa bubong ng kapitbahay nila.

Ang Sto. Niño na nakita nila sa bubong ng kapitbahay ay nakita rin nila sa labas at itaas na bahagi ng isang grocery store.

Dahil dito, nagdasal daw si Ronald na papuntahin ang imahe sa simbahan at doon nila kukunin. Nang pumunta nga sila sa simbahan, nagulat sila na naroon nga ang Sto.Niño na gala.

Napanatag daw kahit na paano na mabait ang elemento na nagpapagalaw daw sa Sto.Niño.

Mula naman ng matagpuan ito sa simbahan, nawawala pa rin ang imahe at sa pagbalik nito, iba't ibang mga bulaklak at halaman ang dala nito. Minsan pa nga raw magang maga ang paa ng ina nina Ronald. Naisipan nilang ipanggamot ang halaman na dala ng Sto. Niño at gumaling nga ang kanyang mga paa.

Isa na yata sa milgrong dala ng imahen ay ang paglaya ng ama nina Ronald na tatlong taon nang nakakulong.

Ang lolo naman nila na si Lola Bining ay naniniwala na may dalang swerte ang mga Sto. Niño.

Nagtanong tanong din daw ang KMJS team sa mga kapitbahay ng pamilya Yap. Dito napag-alaman na madalas pala nilang makita si Tony na pagala-gala at kung hindi bag ang dala ay ang mismong Sto. Niño na gala na sinasabi niya.

Minabuti rin ng KMJS na maglagay ng mga cctv sa bahay ng Yap upang masagot ang mga kababalaghang nagaganap sa bahay nila.

Doon nalaman nilang si Tony nga ang magpapagalaw sa mga imahen at nang siya ay tanungin ukol dito, humingi na lamang siya ng pasensya. Nagawa lamang daw niya ito dahil sa naghihintay daw siya na "maghiwaga" ito ngunit kailanman ay di ito "naghiwaga."

Pinatingnan na rin sa isang psychologist si Tony dahil sa mga kakaibang akto nito at pinabendusyunan na rin ang bahay upang makasigurado.

Paalala lamang na huwag basta maniwala sa mga sabi-sabi lalo na kung napakalayo nito sa ebidensya.

You know everything is extraordinary expensive these days. So we have decided to explore what can a person with 200 pesos in his or her pocket can buy in Ukay-Ukay.

Ukay-Ukay (Bargain Store) 200 Pesos Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin

Kalunus-lunos! Doctors warn pregnant women taking medications after a baby was born without skin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel