Sobrang honest niya! Patricia Javier, umamin na gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot dahil sa pag-ibig

Sobrang honest niya! Patricia Javier, umamin na gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot dahil sa pag-ibig

- May mga matinding rebelasyon si Patricia Javier patungkol sa kanyang nakaraan

- Inamin niya na gumamit siya dati ng ipinagbabawal na gamot

- Idinetalye niya ang mga rason kung bakit niya ito nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbalik-tanaw si Patricia Javier sa kanyang mga nakaraan at may mga matapang siyang pag-amin tungkol dito.

Nalaman ng KAMI na sinubukan pala niya gumamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa pag-ibig.

Taong 2002 nang makarelasyon ng dating sexy actress si Cedric Lee at ng tumagal sila ay natuklasan niya na pamilyadong tao pala ito, ayon sa ulat ng PEP.

Si Cedric Lee ay isang kilalang negosyante na merong anak kay Vina Morales. Na-involve din ito sa kontrobersiya noon kay Vhong Navarro.

Inamin ni Patricia na gumamit siya ng ecstacy para makalimot sa lungkot.

"Masasabi ko nung medyo… because of love, alam naman ng mga tao yun na na-in love ako sa may asawa, so parang yun na. Because of that situation, there was a time na I tried to take ecstacy. Yung ecstacy na yun, pag tinake mo, parang love, love, love lang. Parang nawawala yung ano mo... yung lungkot."

Dagdag pa ni Patricia, pag nawala na ang epekto ng gamot ay hindi maganda ang nagiging epekto sa gumamit.

"Pero ang napansin ko, after mawala yung ano epekto na yun, ang mangyayari nun, sobrang double-double yung sadness mo. So, hindi siya maganda na gamitin talaga."

Ayon sa aktres, dalawang buwan siya gumamit ng ipinagbabawal na gamot at nagawa naman niya itong itigil.

"Kasi ang ano lang naman sa akin, hindi kasi ako umiinom, e, I don’t drink liquor. So, ngayon, one of my friends said, ‘O, try mo ‘to, para you feel happy.’ Kaya yun, na-try ko yun, kaya alam ko kung ano yung experience ko dun."

Para sa kaniya, ang tunay na kaligayahan ay mahahanap lang ng tao sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Dios.

"And then, meron akong isang na-try na masasabi ko sa ating lahat na ito, pag ito yung tinanggap sa katawan mo, you will experience forever happiness, which is the love of God. Yun pala talaga yung missing in my life at that time, kasi nga… nung tinalikuran ko lahat nung hindi maganda, nagkaroon ako ng mabuting asawa."

Si Patricia Javier ay ikinasal kay Dr. Rob Walcher, isang kilalang chiropractor sa bansa, noong December 27, 2005 sa San Diego. Sila ay may dalawang anak, sina Rob at Ryan James.

Una silang nagkakilala noong taong 2003, nang magpunta si Patricia sa U.S. para sa kanyang mga shows doon.

Today we are going to ask the university students from the Philippines some tricky questions. Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? Did they do a good job in your opinion? Which group of students do you think were the best at it?

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life

Sam Milby gives practical advice to men who cheat on their partners in real life
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel