China Roces, ibinahagi ang proposal video ng kanyang boyfriend

China Roces, ibinahagi ang proposal video ng kanyang boyfriend

- Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni China Roces ang kanyang saloobin sa engagement nila ng kanyang boyfriend

- Aniya. hindi niya inakalang taong 2021 ay ibubuhos sa kanya ng Maykapal ang lahat ng blessing

- Matagal niya umanong pinangarap na may lalaking luluhod at mag-settle down kasama niya at ang kanyang mga anak

- Pinasalamatan din ni China ang lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang proposal sa kanya ng boyfriend

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami sa mga tagasuporta ni China Roces ang masaya para sa kanya matapos nga niya ibahagi ang tungkol sa kanyang engagement sa kanyang boyfriend.

Ibinahagi niya ang buong video ng naganap na surprise proposal na inakala niyang pagbati lamang para sa kanilang monthsary.

China Roces, ibinahagi ang proposal video ng kanyang boyfriend
China Roces
Source: Instagram

Ani China, hindi niya inakalang ibibigay ni Lord sa kanya ang mga blessings ngayong 2021. Matatandaang naging masalimuot ang naging paghihiwalay nila ni Tim Sawyer bago pa nagbagong taon noong 2020.

Read also

Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

Hindi ko ineexpect na pagdating ng 2021 lahat ng blessing ay ibibgay ni lord Matagal q ng pangarap ang may lumuhod at handang magsettle down..Handang mahalin,tanggapin at alagaan ako at kahit ang mga anak ko..I am super blessed.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si China Roces ay sumikat bilang FHM cover girl. Pinasok niya na rin ang paggawa ng vlog matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng vlogger na si Tim Sawyer.

Kamakailan ay tuluyan nang naghiwalay sina China at Tim. Matatandaang naging emosyonal si China nang ibahagi niya ang paghihiwalay nila.

Kasunod nito ay naglabas ng pahayag ang mga kaibigan ni Tim para pasinungalingan ang naging pahayag ni China kaugnay sa paghihiwalay nila ni Tim.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel