Video ng vlogger na umano'y nang-insulto sa mga tindero, viral

Video ng vlogger na umano'y nang-insulto sa mga tindero, viral

- Isa na namang vlogger ang umano'y nang-insulto sa mga tindero ng prutas sa kanyang video

- Sinabi kasi nitong kinailangang magpursige ng taong may pangarap

- Subalit ang 'di maganda sa kanyang ginawa ay ang pagdamay sa mga tindero na pinalalabas umano nitong 'di nagpursige sa buhay

- Hindi naiwasan ng mga netizens na maglabas ng saloobin kaugnay sa ginawa na ito ng vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay sa social media ang isa umanong video ng hindi pa nakikilalang vlogger dahil sa pang-iinsultong nagawa nito sa mga tindero ng prutas.

Nalaman ng KAMI na imbis na makapagbigay inspirasyon ang vlogger sa kanyang video, hinamak pa niya ang mga naghahanapbuhay na tindero.

Sa TikTok video na ibinahagi ni Madam Queen, sinabi ng vlogger na kung may pangarap ang isang tao sa kanyang buhay, dapat itong magpursige.

Read also

Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya

Vlogger, inulan ng batikos matapos ininsultuhin ang mga vendors sa kanyang video
Photo from Madam Queen
Source: UGC

Subalit ang 'di maganda sa ginawa ng vlogger ay itinapat niya ang camera sa mga tindero. Sinabi niya kasi na magpursige upang hindi matulad sa mga ito.

Matapos pa niyang batiin ang mga walang kamalay-malay na tindero, sinabi pa niyang "o di ba, 'di niya alam."

Dahil dito, hindi napigilan ng mga netizens na maglabas ng saloobin sa ginawang ito ng vlogger.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Marami ang nagsabing kailangan na humingi umano ng paumanhin ng vlogger sa mga tinderong nadamay umano sa kanyang video. Ang ilan, sinabi pang para makabawi umano sa mga tindero ay pakyawin na lamang ng vlogger ang mga paninda nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Nag-viral na sorbetero, emosyonal na ibinahagi ang dahilan ng kanyang pagsusumikap

Noong 2020, gumawa rin ng ingay ang vlogger at influencer na si Buknoy Glamur dahil umano sa panghahamak din sa isa namang tricycle driver.

Talagang inulan din ito ng batikos na maging ang mga kilalang artista ay naglabas ng saloobin sa naturang viral video.

Ang ilang mga kilalang YouTuber ay nagawa pang pangaralan mismo si Buknoy sa kanyang nagawa na agad naman niyang inihingi ng kapatawaran.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel