Social Media influencer, viral dahil sa kanyang pahayag tungkol sa tricycle driver

Social Media influencer, viral dahil sa kanyang pahayag tungkol sa tricycle driver

- Viral sa social media ang isang vlogger matapos ang kanyang kontrobersiyal na pahayag patungkol sa pagsusumikap sa buhay

- Hindi ikinatuwa ng mga netizens ang pagpapakita niya sa isang tricycle driver bilang halimbawa sa maaring mangyari pag hindi magsikap

- Marami sa mga netizens at social media personalities ang naghayag ng kanilang saloobin hinggil sa pahayag ng social media influencer

- Bukod sa pambabash na natanggap, nabawasan din ang kanyang mga YouTube subscribers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang hindi natuwa sa isang social media influencer na kilala sa tawag na Buknoy Glamurrr kasunod ng pagkalat ng bahagi ng kanyang vlog kung saan nagbibigay siya ng payo sa kanyang mga viewers tungkol sa pagsisikap sa buhay.

Payo niya sa mga netizens, huwag sumuko sa kanilang pangarap. Ang hindi ikinatuwa ng karamihan ay nang ipakita niya sa kanyang vlog ang isang tricycle driver na dumaan. Aniya kung hindi magsusumikap sa buhay, walang mararating kagaya na lamang ng tricycle driver na kanyang ipinakita.

Social Media influencer, viral dahil sa kanyang pahayag tungkol sa tricycle driver

Social Media influencer, viral dahil sa kanyang pahayag tungkol sa tricycle driver
Source: Facebook

Marami ang umalma sa kanyang pahayag dahil marami sa mga netizens ang naniniwalang walang masama sa pagiging isang tricycle driver at marangal naman itong trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa mga pambabatikos na natanggap, bumaba din ng husto ang bilang ng subscribers ng YouTuber. Mula sa 480,000, naging 189,000 na lamang ito sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Buknoy Glamurrr ay isa lamang sa mga social media influencers sa bansa. Isa siyang content creator sa YouTube. Nagsimula siyang gumawa ng content sa YouTube noong 2015 ngunit nakilala siya dahil sa kanyang tiktok videos.

Ilan sa mga nakikilalang social media influencers sa kasalukuyan ay sina Zeinab Harake, Toni Fowler, Jelai Andres, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Matatandaang naging usap-usapan din sina Zeinab Harake at ex-boyfriend nitong si Skusta Clee matapos ang kanilang pasaringan sa social media.

Umani din ng hindi kaaya-ayang reaksiyon mula sa netizens ang isang prank ni Zeinab na naging usap-usapan din kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel