Lalaki, masakit ang katawan at may lagnat matapos saktan at pagnakawan ng side car

Lalaki, masakit ang katawan at may lagnat matapos saktan at pagnakawan ng side car

- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki na matapos na saktan ay ninakawan pa ng side car

- Wala siyang tirahan at ang pagmamaneho ng side car ang kanyang ikinabubuhay

- Kwento ng nagmalasakit na netizen, masakit daw ang katawan ng lalaki at nilalagnat pa ito

- Nanawagan ang netizen na nakakita sa kanya upang madala sana ito sa ospital at matingnan kung ano ang sinapit nito sa pananakit na ginawa ng mga magnanakaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng netizen na si Angelita Flores tungkol kay "Kuya Arman" na nakita niya sa gilid ng kalsada.

Nalaman ng KAMI na masakit ang katawan at nilalagnat si Arman nang makita ni Angelita na sinaktan pala at pinagnakawan pa ng side car.

Kwento ng netizen, natutulog lamang daw si Arman sa kanyang side car nang biglang ibagsak ng hindi niya kilalang mga lalaki ang kanyang katawan sa semento.

Read also

Store owner, labis na nadismaya sa nakawang naganap sa kabubukas lang niyang shop

Lalaki, masakit ang katawan at may lagnat matapos saktan at pagnakawan ng side car
Kuya Arman (Photo credit: Angelita Flores)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matapos ang pananakit ay ninakaw pa umano ng mga lalaki ang kanyang side car.

Walang tirahan si Arman at wala rin siyang kamag-anak dito sa Maynila.

Tanging ang pagmamaneho ng side car ang kanyang ikinabubuhay subalit nawala pa sa kanya.

Binigyan naman siya ni Angelita ng makakain na makikita sa larawan subalit nangangailangan pa ng tulong si Arman.

"Sana naman po matulungan po siya na mabawi 'yung side car na ninakaw sa kanya at madala po siya sa hospital para mapagamot po," panawagan ni Angelita sa kanyang post.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 27,000 ang shares ng naturang post upang mapansin sana ng kinauukulan at mabigyan ng tulong ang kaawa-awang lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ina, ibinahagi ang nakakaantig na ginawa ng mga motorista maisalba lang ang buhay ng anak

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, isang rider ang hinangaan ng kanyang customer dahil nagawa niyang magbisikleta mula Binondo hanggang Cavite para mag-deliver.

Matapos na mag-viral ang post, dinagsa ng tulong ang rider at isa sa mga nagmalasakit na bigyan siya ng tulong pinansyal ay ang mabait na vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer.

Bukod sa paunang tulong na ipinagkaloob ng vlogger binigyan din siya nito ng permanenteng trabaho bilang isa sa kanyang mga staff sa kanyang Korean Store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel