Ina, inalala kung paano biglang binawian ng buhay ang anak na natutulog lang

Ina, inalala kung paano biglang binawian ng buhay ang anak na natutulog lang

- Ibinahagi ng inang si Angelica De Leon-Panganiban ang pagpanaw ng kanyang supling kamakailan

- Ang alam niya'y iniwan niyang maayos na natutulog ang kanyang anak subalit ng balikan niya ito, wala na itong buhay

- Nadala naman agad ang anak sa ospital subalit huli na ang lahat at idineklara na ng mga doktor na pumanaw na ang kanyang anak

- Ang masakit pa sa nangyari, hindi ito ang unang beses na namatayan siya ng supling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapang na ibinahagi ng blogger na si Angelica De Leon-Panganiban ng "Busy With Mommy" page ang sinapit ng kanyang anak na si Alonzo.

Nalaman ng KAMI na nitong Enero 14 ng kasalukuyang taon, binawian ng buhay si Alonzo sa hindi agad nalaman ang dahilan.

"He was just sleeping when I found him lifeless," ang ibinahagi ni Angelica sa kanyang post ng ibalita niya ang pagkamatay ng pinakamamahal na anak.

Enchong Dee, nag-react sa pahayag ni Duterte ukol sa franchise ng Dos
Ina, inalala kung paano biglang binawian ng buhay ang anak na natutulog lang

Mommy Angelica and Baby Alonzo Photo from Busy With Mommy
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"The hospital says that the cause of death is aspiration (where saliva collects in the mouth while sleeping and then flows into the lungs, leading to aspiration and choking)," dagdag pa niya.

Ilang oras pa raw noon bago bawian ng buhay ang anak ay masigla pa ito at naglalaro.

Subalit nang balikan na ito ni Angelica sa pag-aakalang nakatulog na ito matapos na ma-breastfeed, iba na ang kulay ng labi nito.

“I tapped his cheeks and shouting for him to wake up but when I held his hand, it's already cold. I did mouth-to-mouth resuscitation but I can no longer hear his heartbeat,” kwento ni Angelica.

Agad din niya itong nadala sa ospital subalit huli na ang lahat at idineklara na itong patay bandang alas ng hapon.

Paliwanag pa ng mga doktor ayon kay Angelica, sudden infant death syndrome (SIDS) ang dahilan ng pagpanaw ni Alonzo.

Wedding vows nina Benj Manalo at Lovely Abella, umantig sa mga netizens

Ang masakit pa rito, hindi ito ang unang pagkakataon na namatayan ng anak si Angelica.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Taong 2017 nang biyayaan siya ng supling ngunit dahil sa premature ito, 14 na araw lamang ang itinagal ng kanyang baby girl.

Gayunpaman, kinakitaan ng katatagan si Angelica sa kabila ng mga nangyari. Katunayan, patuloy pa rin ang pagbibigay inspirasyon niya sa kapwa niyang mga mommy sa pamamagitan pa rin ng kanyang Facebook page.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad ni Angelica, labis ding naghihinagpis ang inang si Aphril matapos naman na mapalitan ng ibang sanggol ang kanyang anak na kaluluwang pa lamang niya.

Mabuti na lamang at nakunan nila ng larawan ang kanilang anak nang mailabas. Ngunit nang maibalik na ito sa kanya matapos na malinisan, ibang bata na umano ang naibigay sa kanila.

Cabin crew couple, ikinasal sa loob mismo ng eroplanong patungong Caticlan

Sa tulong Kapuso Mo, Jessica Soho, naipa-DNA sina Aphril at ang hawak na sanggol at doon nila nakumpirma na ibang bata nga ang naibigay sa kanila ng ospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel