Kampo ni Jinggoy Estrada, sumagot sa isyu ng inalis na kagamitan

Kampo ni Jinggoy Estrada, sumagot sa isyu ng inalis na kagamitan

  • Ipinaliwanag ng kampo ni Sen. Jinggoy Estrada kung bakit bare nang i-turn over ang dati niyang opisina kay Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III matapos ang deadline nitong Oktubre 5, 2026
  • Ayon sa kanyang chief of staff, ang mga fixture, furnishing at iba pang materyales ay dinala sa bago niyang opisina at karamihan umano sa mga ito ay binili gamit ang personal na pondo
  • Iginiit ng tanggapan ni Estrada na bahagi ng matagal nang practice sa Senado ang pag-aayos ng opisina ng senador at pagsagot ng occupant sa mga gastusing lampas sa inilaan na budget
  • Samantala, nagpahayag si Sen. Panfilo Lacson ng pagtutol sa pahayag tungkol sa kondisyon ng parehong opisina, dahil aniya ay wala siyang inalis nang i-turn over niya ito kay Estrada noong 2022

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay ng paglilinaw ang kampo ni Sen. Jinggoy Estrada tungkol sa naging turnover ng kanyang dating opisina sa Senado matapos itong i-turn over nang walang mga fixture at furnishing.

Read also

Reaksiyon ni Benedict Cua sa event nina Bea at Meray, kinaaliwan

Kampo ni Jinggoy Estrada, sumagot sa isyu ng inalis na kagamitan
Kampo ni Jinggoy Estrada, sumagot sa isyu ng inalis na kagamitan (đź“·Jinggoy Estrada/Facebook)
Source: Facebook

Ang dating tanggapan ay ibinigay kay Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III matapos ang itinakdang deadline na Oktubre 5, 2026.

Ayon sa tanggapan ni Estrada, ipinaalam ng kanyang chief of staff kay Sotto bago ang deadline na ang mga gamit at materyales mula sa opisina ay ililipat sa bago niyang tanggapan.

Kabilang umano sa mga ito ang floor tiles, glass panels, lighting fixtures, cabinets at iba pang bahagi ng opisina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinabi ng kampo ni Estrada na karamihan sa naturang mga bagay ay binili gamit ang personal na pondo dahil hindi sapat ang budget na inilaan ng Senado para sa lahat ng naging gastusin sa pag-aayos ng opisina.

Iginiit ng kanyang tanggapan na walang ginamit na pampublikong pondo para sa mga gastusing lampas sa inilaan na budget.

“It bears noting that standard practice in the Senate is for the senator occupying an office to renovate the space based on the budget provided, with any expense beyond that shouldered entirely by the occupant. Let it be stressed, in no uncertain terms, that not a single centavo of public funds was wasted,” pahayag ng tanggapan ni Estrada.

Read also

Dennis Trillo, nagsalita tungkol sa posibilidad ng pag-uusap nila ni Patrick Garcia

Ipinaliwanag din ng kanyang tanggapan na ganoon din umano ang kondisyon ng opisina nang unang i-turn over ito kay Estrada noong 2022.

Ayon sa kanila, bare rin ang naturang office nang matanggap ito ng senador.

“Standard practice ito sa Senado at hindi na dapat ikagulat pa o gawin pang isyu,” saad ng kanyang opisina.

Iginiit din ng kampo ni Estrada na hindi lamang sa kanya nangyari ang ganitong proseso.

Ayon sa kanilang pahayag, mayroon nang mga nakaraang pagkakataon kung saan inalis din ang fixtures at materyales mula sa isang bakanteng tanggapan ng senador bago ito gamitin ng susunod na occupant.

“It must also be emphasized that similar instances of dismantling fixtures and materials from a vacated senator's office have occurred in the recent past. This is neither new nor unusual — it is an established and accepted practice within the institution, and singling out this particular transition for scrutiny is both unfair and misleading.”

Read also

Mga magulang ni Rene Baterbonia, nagbigay ng jersey sa Pinoy Pawnstars Museum

Binigyang-diin din ng kampo ni Estrada ang naging arrangement niya sa loob ng Senado sa nakalipas na apat na taon.

Ayon sa kanilang pahayag, sa 6th floor lamang siya nakagamit ng pangunahing office space at mayroon lamang extension office sa 5th floor, hindi katulad ng ibang senador na binigyan umano ng buong office space sa 5th floor.

Dahil dito, hiniling ng kanyang tanggapan na huwag gawing isyung pampulitika ang turnover.

“We trust that this clarifies the matter and respectfully appeal that this routine administrative transition not be unnecessarily politicized, sensationalized, or made into a manufactured controversy where none exists,” saad ng kanyang opisina.

Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng kondisyon ng parehong opisina.

Si Lacson ang dating occupant ng tanggapan bago ito na-turn over kay Estrada noong 2022.

Hindi niya sinang-ayunan ang pahayag na ang opisina ay dating bare nang i-turn over sa senador.

Sa kanyang post sa X, sinabi ni Lacson na wala siyang inalis o sinira nang siya ang nagpaayos sa naturang tanggapan.

Read also

Dennis Trillo, masayang tinanggap ang parangal: “Sayang hindi ko dala ang bag ko"

“Nothing was removed nor destroyed, precisely because government funds were used when I refurbished it when it was turned over to me,” ani Lacson.

Dahil dito, nagkaroon ng magkaibang pahayag tungkol sa naging kondisyon ng opisina bago ito napunta kay Estrada.

Sa kabila ng magkabilang panig, malinaw sa pahayag ng kampo ni Estrada na ang kanilang posisyon ay bahagi ng proseso ng paglilipat ng tanggapan at hindi dapat ituring na kontrobersiya.

Si Jinggoy Estrada ay nagsilbi bilang senador ng Pilipinas sa ilang termino at naging aktibo sa mga pagdinig at usapin sa Senado.

Sa mga nakaraang buwan, naging bahagi rin ng mga pangunahing balita ang pangalan niya kaugnay ng mga isyung tinatalakay sa Senado. Noong 2025, kabilang siya sa mga senador na nagtatanong sa mga pagdinig tungkol sa mga kontrata at proyekto ng pamahalaan, kabilang ang mga usapin na may kaugnayan sa flood control projects.

Sa kasalukuyang usapin tungkol sa office turnover, kapwa naging bahagi ng diskusyon ang paliwanag ng kanyang tanggapan at ang pagtutol ni Lacson sa naging paglalarawan sa kondisyon ng opisina.

Read also

Kristel Fulgar, may ibinahaging alaala sa pagganap bilang batang Jennylyn

Sa isang Senate hearing noong 2025, naging aktibo si Jinggoy Estrada sa pagtatanong kay contractor Sarah Discaya tungkol sa dami ng government projects na napunta sa mga kumpanyang konektado sa kanilang pamilya. Kabilang sa mga itinanong niya ang tungkol sa kanilang mga negosyo at kung paano nila nakuha ang malaking bilang ng mga proyekto. Naging bahagi rin ng pagdinig ang usapin tungkol sa kanilang mga luxury vehicle at pinagmumulan ng kanilang yaman.

Sa isa pang Senate hearing, tinanong ni Estrada si Sarah Discaya tungkol sa pagbili niya ng isang Rolls-Royce Cullinan. Nang tanungin kung totoo bang isa sa mga dahilan ng pagbili ay ang umbrella feature ng sasakyan, sumagot si Discaya, “Sir, yes po.” Naging bahagi ito ng mga napag-usapang detalye sa pagdinig tungkol sa lifestyle at mga ari-arian ng pamilya Discaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate