Sarah Discaya, umaming bumili ng Rolls-Royce dahil natuwa sa “payong”

Sarah Discaya, umaming bumili ng Rolls-Royce dahil natuwa sa “payong”

  • Inusisa sa Senado si Sarah Discaya tungkol sa pagbili niya ng isang Rolls-Royce Cullinan dahil lamang sa umbrella feature nito
  • Ayon sa contractor, 28 lamang ang kanilang luxury cars at hindi 40 gaya ng naunang nabanggit sa isang panayam
  • Giit ni Discaya, ginagamit ng kaniyang apat na anak ang ilan sa mga sasakyan at hindi galing sa pondo ng bayan ang pambili ng mga ito
  • Kabilang ang kompanya ng Discaya couple sa mga contractor na pumalo umano ng kita sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat ni Pangulong Marcos

Mainit na tinutukan ng publiko ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 1, matapos muling masentro ang contractor na si Sarah Discaya sa usapin ng kanilang koleksiyon ng luxury cars. Sa harap ng mga senador, umamin mismo si Discaya na isa sa dahilan ng pagbili niya ng Rolls-Royce Cullinan ay dahil natuwa siya sa kakaibang feature nito—ang payong.

Read also

TNVS driver patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro

Sarah Discaya, umaming bumili ng Rolls-Royce dahil natuwa sa “payong”
Sarah Discaya, umaming bumili ng Rolls-Royce dahil natuwa sa “payong” (📷ABS-CBN News/YouTube)
Source: Youtube

Sa pagtatanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, tinanong nito kung totoo bang binili niya ang sasakyan dahil lamang sa payong. “Sir, yes po,” sagot ng contractor na sinabayan pa ng ngiti.

Matatandaang sa isang panayam kay Julius Babao noong 2024, inamin na rin ni Discaya na aliw na aliw siya sa feature ng Rolls-Royce na may nakatagong umbrella sa magkabilang pinto. “Kasi ito o, may payong. Natutuwa ako sa payong. Pero hindi ko pinagagamit itong payong na ito kasi mahal yung payong,” ani Discaya noon.

Para sa kanya, simpleng detalye ang nakapagbigay ng malaking dahilan upang bilhin ang isa sa pinakamahal na luxury SUVs sa mundo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa parehong pagdinig, nilinaw ni Discaya na hindi 40 kundi 28 lamang ang luxury cars na pagmamay-ari nila ng kanyang asawa na si Pacifico "Curlee" Discaya. Naitanong pa ni Estrada kung paano nila nagagamit ang ganoon karaming sasakyan. Sagot ni Sarah: “I have four kids that uses it all the time.”

Read also

Slater Young, pumalag nang akusahan siya bilang isang government contractor: "Don't me"

Hindi rin pinalagpas ng senador ang tanong kung taxpayers’ money ang pinambili ng mga kotse. “No po. Ah hindi po,” mariing tugon ng contractor.

Kabilang ang Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation ng mag-asawang Discaya sa top 15 contractors na pumalo umano sa mga flood control projects. Ang impormasyong ito ay mismong isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagdulot ng masusing imbestigasyon at public scrutiny.

Bago pa man pumutok ang isyu ng mga luxury cars, nakilala si Sarah at ang kanyang asawa sa mundo ng construction bilang malalaking kontratista ng DPWH. Ngunit ang spotlight na inaakala nilang para lamang sa kanilang tagumpay ay nagbukas din ng pintuan sa masusing pagsusuri sa kanilang lifestyle at mga ari-arian.

Ang kanilang koleksiyon ng mamahaling sasakyan—mula Ferrari, Lamborghini, Rolls-Royce at iba pa—ay hindi lamang naging usap-usapan sa car community kundi naging sentro ng pambansang balita lalo na’t iniuugnay ito sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaan.

Read also

Tribute ni Ara Davao para sa kanyang yumaong ama na si Ricky Davao, nagpaantig online

Sa ulat ng Kami.com.ph, nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Carla Abellana nang ibunyag na kay Sarah at Curlee Discaya pala ang koleksiyon ng mga luxury cars na madalas makita online. Nagpahayag ng pagkamangha ang aktres, ngunit hindi rin naiwasan ng publiko na magkomento tungkol sa posibleng pinagmulan ng yaman ng mag-asawa.

Samantala, nag-trending din kamakailan ang lifestyle feature ng TV host na si Karylle, kung saan nabanggit ang Discaya couple. Pinuri ng ilan ang kanilang tapang na ipakita sa publiko ang marangyang pamumuhay, ngunit marami ring nagtanong kung “encourage kaya” ang ganitong klaseng pagpapakita sa harap ng mga isyung kinakaharap nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: