Wedding vows nina Benj Manalo at Lovely Abella, umantig sa mga netizens

Wedding vows nina Benj Manalo at Lovely Abella, umantig sa mga netizens

- Ibinahagi ng mag-asawang Benj Manalo at Lovely Abella ang kanilang nakakaantig na pagpapalitan ng wedding vows

- Maging ang mga bisitang dumalo sa kasalan ay di mapigilan ang kanilang mga luha habang nagsasalita ang ikinakasal

- Para naman sa anak ni Lovely, nagpapasalamat siya kay Benj dahil dumating ito sa buhay nilang mag-ina

- Ikinasal ang dalawa noong January 23, 2021 sa Lemuria Gourmet Restaurant sa Quezon City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa wedding vows nina Benj Manalo at Lovely Abella na kanilang ibinahagi sa kanilang YouTube channel.

Nauna si Benj sa pagbigay ng kanyang vow at hindi nito mapigilang maging emosyonal habang sinasariwa kung paano siya naging mas mabuting tao simula nang makilala niya si Lovely.

Lagi akong nagdadasal ngayon kay Lord na sana one day ayusin niya ang buhay ko kasi napagod na ko. Nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko alam ang direksiyon ng buhay ko. Na sana kung iibig akong muli, yun na talaga yun, yung the one for me. These are the moments that I will always look back. Kapag tinotopak ka to remind me why I'm the luckiest man in the world.

Read also

Toni Gonzaga, tuwang-tuwa sa kinalabasan ng pinaayos niyang toddler room ni Seve

Wedding vows nina Benj Manalo at Lovely Abella, umantig sa mga netizens
Photo from Lovely Abella (@lovelyabella_)
Source: Instagram

You are perfect in my eyes, wala akong nakilalang tao na kasing bait mo. Napakasayahin mo and you make my bad days better days. You bring joy to my life every single day. You are a diamond na binigay sa akin ni Lord na araw-araw akong natututo sa buhay dahil sayo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

You taught me how to love again. Tinuruan mo akong mangarap uli. Tinuruan mo akong maging best version of me every single day. Tinuruan mo akong maging masaya uli. Tinuruan mo akong magmahal nang unconditionally and you also taught me and guided me to love your one only daughter-si Crisha as if anak ko talaga siya, minsan nga mas mahal ko pa siya kaysa sa'yo.

Pinasalamatan din ni Benj ang anak ni Lovely sa pagtangggap sa kanya.

Read also

Jowa Challenge nina Kiray Celis at Buboy Villar, kinaaliwan

Pangako niya kay Lovely, lagi siyang naroroon para sa aktres at aabutin nila ang pangarap nilang magkasama.

Emosyonal din si Lovely sa kanyang vow. Gayunpaman, napalitan ng tawanan ang pagluha ng mga bisita nang hindi na makita ni Lovely ang kasunod ng kanyang babasahin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Para naman sa anak ni Lovely, nagpapasalamat siya na dumating sa buhay nila ang kanyang daddy Benj.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo.

Matatandaang inalmahan ni Lovely ang pambabatikos ng ilang fans ng KathNiel matapos niyang ibahagi na nanggaling kay Kathryn Bernardo ang isinuot niyang wedding gown.

Read also

Sophie Albert at Vin Abrenica, magsasama na sa kanilang bagong bahay

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel