Mr. Chang, ipinagtanggol si 'Bobby' sa kabila ng isyu nila ni Basel

Mr. Chang, ipinagtanggol si 'Bobby' sa kabila ng isyu nila ni Basel

- Nagsalita na si Mr. Chang o mas kilala bilang si "Abeoji" tungkol sa isyu sa pagtitan nila ng vlogger na si Basel Manadil

- Ipinalabas ito sa vlog ng sinasabing naging sanhi ng di pagkakaunaawaan ng dalawa na si "Chong Bobby" na umano'y isa ring vlogger

- Aminado si Mr. Chang na nasasaktan din umano siya sa nangyari

- Nabanggit naman ni Mr. Chang na unang tumulong sa kanya si 'Bobby' at sumunod na rito si Basel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng saloobin si Mr. Chang o mas kilala bilang si 'Abeoji' tungkol sa isyu nila ng vlogger na si Basel Manadil.

Matatandaang si Basel o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang nagbansag kay Mr. Chang ng "Abeoji" dahil itinuring niya itong parang ama.

Mula nang mag-viral si Mr. Chang, sinadya pa talaga siyang hanapin ni Basel hanggang sa matagpuan niya ito sa isang gilid ng kalsada sa Las Piñas.

Basel Manadil, binuksan pa rin ang Korean store para sana kay Abeoji
Mr. Chang, nagsalita na ukol sa isyu nila ng vlogger na si Basel Manadil

Mr. Chang kasama si Basel Manadil Photo: Screengrab from The Hungry Syrian Wanderer's video
Source: Facebook

Mula noon, binabalik-balikan na ni Basel si Mr. Chang upang tulungan. Ipinamili pa niya ito ng mga gamit sa bahay, inayos ang mga gamit upang sa gayon ay maging komportable ang kanyang 'Abeoji' sa pag-uwi nito sa kanyang tirahan.

Nakasama pa niya ito sa mga vlogs niya kung saan naghatid sila ng tulong sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo bago matapos ang taong 2020.

Humantong pa umano sa puntong ipagpapatayo pa ni Basel si Abeoji ng sarili nitong Korean mini-mart upang hindi na ito maglako kung saan lamang.

Subalit lahat ng ito ay naglaho umano dahil sa sinasabing pagpasok ng isa ring vlogger na si Chong Bobby sa eksena.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At sa YouTube channel nga ng vlogger na ito, naglabas ng saloobin si Mr. Chang kaugnay sa isyu nila ni Basel.

Hirap man sa pagpapaliwanag ngunit nagawa ni Mr. Chang na ipagtanggol umano si Bobby.

Kuya Wil, nakatanggap ng text na ginamit pa ang mismong programa niya

Sinabi rin niyang ito raw ang unang tumulong sa kanya at hanggang ngayon ay naroon pa rin para sa kanya.

Aminado rin si Mr. Chang na nasasaktan umano siya sa mga nangyari.

Subalit ang kapansin-pansin sa video, 'Abeoji' na rin ang tawag ng vlogger na si Bobby kay Mr. Chang.

Sa video, sasamahan daw ni Bobby si Mr. Chang para mapa-extend ang mae-expire nang visa ni 'Abeoji.'

Sinabi rin nito na siya raw ang magpapatuloy ng pagpapagamot ni Mr. Chang.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mr. Chang o mas nakilala sa social media bilang si Abeoji ay isa sa mga natulungan ng napakabait at napakabuting vlogger na si Basel.

Kamakailan ay ipinakita ni Basel sa kanyang vlog na sa kabila ng nangyari sa kanila ng kanyang Abeoji, itinuloy pa rin niya ang pagbubukas ng Korean mini-mart.

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda ukol sa bakuna at sabon

Ito ay upang makatulong pa rin sa ibang tao tulad na lamang ng mga magiging empleyado niya sa store na magkakaroon ng trabaho.

Malaki rin ang kamurahan ng kanilang paninda dahil ang motibo ni Basel ay ang makatulong kahit maliit na lamang ang kanyang kitain.

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel