Kuya Wil, nakatanggap ng text na ginamit pa ang programa niya

Kuya Wil, nakatanggap ng text na ginamit pa ang programa niya

- Mismong si Willie Revillame ang nabiktima ng scammer na ginamit ang kanyang sariling programa

- Nagpakilala pa raw ito na si 'Willie Revillame' at sinabing birthday niya kaya nanghihingi umano ito ng load sa kanya

- Nagbabala si Willie sa mga ganitong uri ng scam kung saan ginagamit ang kanyang pangalan o ang kanyang programa na 'Tutok to Win'

- Nilinaw niya sa kanyang mga tagasubaybay ang oras kung kailan lamang maaring makatanggap ng text mula sa kanyang programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natawa na lamang ang TV host na si Willie Revillame nang mabiktima umano siya ng scam na nagawa pang gamitin ang kanyang pangalan pati na rin ang kanyang programa.

Nalaman ng KAMI na nakatanggap umano ng text ang Wowowin host kung saan nagpakilala ang scammer na siya si "Willie Revillame."

Read also

Lazada rider, binigyan ng leksyon ang customer na minaliit siya

"Tinext ako, siya raw si Willie Revillame... Hello!" kwento ni Willie.

Willie Revillame, nabiktima ng scam na ginamit ang programa niyang 'Tutok to Win'
Photo: Willie Revillame Supporters
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa text, birthday daw ng nagpakilalang si Revillame at nanghihingi umano ito ng 40 pesos na load. Paalala niyang huwag bastang maniniwala sa mga ganitong uri ng text.

"Hindi ho ako hihingi ng kahit ano sa inyo!" paliwanag ni "Kuya Wil".

Nilinaw din niya kung saan maaring malaman ng kanyang mga tagasubaybay ang mga anunsyo ng programa at mga paraan ng pagsali sa kanyang mga pa-premyo.

"Dito lang ho sa GMA 7, YouTube, Facebook, Twitter niyo lang malalaman ang totoo,"

"After po ng 6:30, pag may nanghingi sa inyo, hindi na po kami yan, scam na po yan" paglilinaw ni Revillame.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda ukol sa bakuna at sabon

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Kamakailan, mabilis na nag-viral ang larawan ni Willie kasama ang pinakabago niyang apo sa anak nitong si Meryll Soriano na isa ring aktres.

Gumawa rin ng ingay sa social media ang umano'y naging alitan nina "Hipon" na co-host ni Willie at 'Miss Manila' na si Alexandra Abdon nang mag-guest ito sa Wowowin. Namagitan na si Willie upang matuldukan na ang naging isyu ng dalawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel