
Odd News







Viral ang nakakatuwang video ng naluto na corned beef sa bus. Makikita kasing umuusok ang bandang likuran ng bus na sumakto sa larawan ng corned beef na naroon. Umabot sa mahigit 2.2 million views ang video.

Mabilis na nag-viral ang video ng nagpakilalang manggagamot na si Arturo Solon na nakapagpagaling di umano ng buntis na nakulam. Isang linggo nang di nakakalakad ang buntis kaya nagdesisyon na ang pamilya nito na 'ipagamot'.

Marami ang naaliw sa larawan ng bagong kasal na kasama pa ang alagang manok. Labis na nagtaka ang mga netizens kumbakit kailangan pang isama ang manok sa wedding picture. Hinala tuloy ng karamihan na swerte ang manok na ito.

Viral ang larawan ng di umano'y pari na gumamit ng laruang water gun sa pagbababasbas sa loob ng simbahan. Di lamang ito, ang kanyang kasuotan sa misa ay mayroon ding larawan ng mga kilalang superheroes gaya ni superman.

Marami ang nabahala sa larawan ng isang inakalang batang lalaki na nagyoyosi habang nanonood ng football game sa Turkey. Nang usisain, 36-taong gulang na pala ito at anak na niya ang kanyang kasama sa larawan.

T-rex costume ang isinuot ng isang bridesmaid sa kasal ng kanyang kapatid. Dahil sa alam ng bride na di mahilig magsuot ng formal dress ang kapatid, hinayaan niya itong magsuot ng anumang kanyang gustuhin.

Isang Muslim na Indonesian ang napangalanang "Merry Christmas" dahil pinanganak ito ng December 25. "Slamet Hari Natal" mismo ang kanyang pangalan na ang ibig sabihin sa Indonesia ay ang pagbating "Maligayang pasko!"

Viral ang kakaibang trip ng magkakabarkadang ipinarada ang kanilang kaibigan. Lasing na lasing na raw ito at walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Umabot na sa halos 2 million views ang video na ito.

Mabilis na nag-viral ang video ng isang babaeng pasigaw na nagrereklamo sa isang fast food. Dumagdag pa sa nangyari ang di inaasahang pang-iinsulto niya sa security guard na nakaalalay lamang sa sitwasyon ng customer at manager.
Odd News
Load more