Video ng isang magandang babaeng 'kargador', nag-viral

Video ng isang magandang babaeng 'kargador', nag-viral

- Isang magandang babae mula Hong Kong ang piniling maging full-time transporter o kargador

- Di raw alintana sa kanya ang trabahong ito dahil nagsisilbi itong workout niya

- Di makapaniwala ang ilang netizens at sinasabing di raw bagay sa babae ang kanyang napiling trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video ni Zhua Qianpei, isang full-time transporter o kargador sa Hong Kong.

Makikita sa video kung gaano siya kaliksi sa pagbubuhat ng kaunti o marami mang gamit.

Nalaman ng KAMI na nagtatrabaho siya sa isang alley shop at doon, di makapaniwala ang mga nakakakita sa kanya na ganoong klaseng trabaho ang kanyang pinasok.

Kapansin-pansin kasi ang ganda ni Zhua. Katunayan, marami pa nga raw ang lumalapit sa kanya para makipag-selfie. Inakala pa nga ng ilan na artista talaga ang kargador.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa The Recovery Crate, mahigit isang dekada nang nagtatrabaho bilang kargador si Zhua.

Sa panayam sa kanya ng Dimsum daily, nabanggit niyang di talaga madali para sa isang babaeng tulad niya ang kanyang napiling trabaho.

Pero enjoy naman daw siya sa ganitong gawain lalo na at ito raw ang nagsisilbing workout niya.

“I’m the happiest when I’m delivering stuff,” wika ni Zhua.

Malaki rin ang kanyang kinikita sa trabahong ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umaabot ito ng HKD13,000 hanggang HKD14,000 o nasa ₱86,000 hanggang ₱125,000 sa isang buwan depende sa bigat ng kanyang nabubuhat.

Nagtaka man ang ilang netizens kumbakit pinili ni Zhua ang ganitong trabaho, ngunit nang malaman nilang ganito pala kalaki ang kinikita nito, naisip nilang bakit nga naman di papasukin ninuman ang trabahong may ganitong pasweldo.

Nagbabalak nang kumuha ng delivery truck si Zhua dahil alam niyang di habang buhay ay may lakas siya upang gawin ang ganitong klaseng pinagkakakitaan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel