Pari na gumamit ng 'water gun' pambasbas, binatikos ng netizens

Pari na gumamit ng 'water gun' pambasbas, binatikos ng netizens

- Viral ang larawan ng di umano'y pari na gumamit ng laruang water gun sa pagbababasbas sa loob ng simbahan

- Di lamang ito, ang kanyang kasuotan sa misa ay mayroon ding larawan ng mga kilalang superheroes gaya nina superman at batman

- Bagaman at ang intensyon lamang daw niya ay ang mahikayat din ang mga kabataan na sumimba, di pa rin ito nakawala sa kritisismo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nagulat nang makita ang larawan na ito ng isang pari sa Mexico na gumagamit ng water gun pambasbas ng holy water sa mga nagsisimba.

Lumalabas tuloy na tila naging katatawanan para sa iba ang ginawa na ito ng pari.

May caption pa ang post na ito ng Facebook user na si Snap Klachenssy na "Piwpiwpiwpiwpiwpiwpiw amen" na tila tunog nga ng laruang baril.

Ayon naman sa panayam ng Digital Spy sa paring si Father Humberto Alvarez, nais lang niyang maghatid ng ngiti sa mga nagsisimba at upang mahikayat pa ang mga ito lalo na ang mga kabataan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod kasi sa water gun gimik niya, nakasuot pa ito ng sutana na may mga superheroes designs tulad nina superman, batman at spiderman.

Sa kabila ng kanyang intensyon na maghatid saya sa mga sumisimba, di pa rin ito nakawala sa pambabatikos ng karamihang deboto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang maging maaanghang na komento:

"Pinayagan kaya siya ng Santo Papa na gawin yan?"
"Hala, pa anman niyang ni-level ang Diyos sa mga superhero"
"Acceptable pa yung water gun pero yung damit niya na may superhero, foul!"
"Pari ba talaga to? sablay na po e"
"Ano to? show? father naman imbis na sumimba ako e kakawalang gana"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel