Lalaking motorcycle rider, proud sa kanyang Hello Kitty collection

Lalaking motorcycle rider, proud sa kanyang Hello Kitty collection

- Viral ang lalaking motorcycle rider dahil sa kakaibang hilig nito sa Hello Kitty

- Mula sa kanyang motor, hanggang sa kanyang kwarto, puro Hello Kitty ang disenyo ng mga ito

- Dahil dito, nakwestyon ang kanyang kasarian ngunit para sa kanya di raw sukatan ng kanyang pagkatao ang pagkahilig sa Hello Kitty

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba ang trip ng lalaking motorcycle rider na ito dahil sa Hello Kitty designs ang napusuan niyang kolektahin.

Sa ulat ni Jay Dayupay ng ABS-CBN News binahagi nito ang kwento ni Mark Lansican na mula sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Pinakita ni Mark ang kanyang koleksyon na puro Hello Kitty ang mga disensyo.

At dahil motorcycle rider siya, maging ang kanyang motor ay kulay pink ay may Hello Kitty din.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Maging ang kwarto ng 34-anyos na ito ay puro Hello Kitty saan ka man tumingin.

Katunayan, dinarayo pa raw ito ng kanyang mga kaibigan para maki-selfie.

Madalas din daw ma-arbor ng mga ito ang kanyang koleksyon kaya imbis daw na dumami ay nababawasan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, may ilan tuloy na nagdududa sa kanyang pagkatao.

Bahala na ano sabihin ng iba. . . . Hindi naman nasusukat ang pagkalalaki sa pink na motor, kuwarto at hello kitty collections," katwiran ni Mark.

Dagdag pa niya, mas mainam na magtanong muna sa mismong tao at huwag mang husga na lamang base sa mga post o nakikita.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel