Makulit na complainant, nakipagpalit na ng pwesto kay Raffy Tulfo at co-host nito

Makulit na complainant, nakipagpalit na ng pwesto kay Raffy Tulfo at co-host nito

- Viral ang nakakatuwang episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan di na halos makasalita si Idol Raffy sa walang tigil na kakasalita ng complainant

- Nirereklamo ng OFW ang kanyang mister ng pananakit di umano sa kanya at pamabababae pa nito

- Hindi makapagpaliwanag ang mister dahil walang tigil ang bibig ng misis sa kakasalita

- Nakipagpalit na ng pwesto si Idol Raffy at co-host nito sa complainant dahil parang ito na raw ang host ng programa sa walang tigil nitong pagsasalita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging katatawanan daw ang episode ng Raffy Tulfo in Action noong October 15 kung saan isang OFW na inirereklamo ang mister ng pananakit ay walang tigil sa pagsasalita at di na halos makasingit ang mga host ng programa.

May title ang episode na ito na "Part 1 | Ibang klase ito! First time sa kasaysayan ng Wanted sa Radyo.

Nalaman ng KAMI na dumulog na si Evelyn Argana kay Idol Raffy dahil sa panloloko at pananakit di umano ng kanyang mister na si Gilbert Argana.

Ayon pa sa complainant. pineperahan nalang din siya maging ng mga kamag-anak ng mister.

Tumagal ang ilang minuto at di na halos makasingit ang mga host ng programa dahil walang tigil na sa pagsasalita si Evelyn.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinubukan na itong lapitan ng co-host ni Idol Raffy na si Sharee Roman ngunit di pa rin ito maawat sa kakasalita.

Lalo na ng makapanayam na ng programa ang mister ni Evelyn, mas lalo na itong walang humpay sa kakasalaysay ng reklamo niya sa asawa.

Dahil dito, naisipan na ni Tulfo na makipagpalit ng pwesto kay Evelyn dahil parang ito na raw kasi ang host ng programa.

Natatawa na lamang si Idol Raffy nang makipagpalit nga ang complainant at maging si Sharee na co-host nito ay sinubukan din niyang palitan.

Nang nakaupo na si Evelyn sa dapat na pwesto ni Tulfo, huminahon na ito at naawat na rin kahit na paano sa kakasalita.

Narito ang kabuuan ng nakakaaaliw na episode na ito:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel